CHAPTER 34

24 3 0
                                        

Tulala

HEIRA'S POV

Isang linggo...

Isang linggo na ang nakalipas matapos kaming nag usap ni Alexis, matapos siyang lumuhod at matapos siyang makiusap na tulungan ko siya.

Wala akong ginawa kundi ang tulungan na lang siya, sa mga sinabi niya kasi ay halatang nagpapakatotoo siya, parang may mabigat na dahilan kung bakit siya 'ko nilapitan, hindi ko nga lang alam kung ano 'yon.

Hindi naman siya iiyak kung nagsisinungaling siya hindi ba? Pero hindi ko maiwasang mag-isip, ano ng nangyari sa kaniya? Matapos kasi naming mag usap, kinabukasan ay hindi na siya pumasok.

Hindi naman kami naapektuhan sa pagkawala ng presensiya niya, tahimik lang siya kaya kahit wala siya o nandito man, parang wala lang din.

Hindi naman kami close, hindi naman din kami magkaibigan, isang beses lang naman kaming nagkasamang kumain - yong sa lugawan. Kaya nga nagtataka ako kung bakit siya sa'kin humingi ng tulong.

Alam kong mali, natatakot din naman akong mahuli, syempre, baka pati ako bumagsak. May mga assignments kami at projects, walang alam ang iba sa mga napag usapan namin, palihim ko lang na pinapasa sa mga teachers ang mga projects na ginawa ko na nakapangalan kay Alexis.

-FLASHBACK-

Kahapon kami nag usap ni Alexis, tapos ngayong araw ay hindi siya pumasok, nasa'n na kaya 'yun?

"Kindly copy your assignment, i'll collect them tomorrow." Sabi ni Margaux.

Math 'yon, kinopya na lang namin dahil kailangan, sa bondpaper kasi siya nag papaassignment, para raw maipon kapag last quarter na, baka raw mawala kapag sa notebook.

Kinagabihan ay ginawa ko na 'yon, magpapahinga na sana ako pero pumasok sa isip ko si Alexis, dapat nga pala ay may assignment din siya.

Siguraduhin mo lang na maganda ang dahilan mo, Alexis, kung hindi ay babanatan talaga kita!

Kumuha ulit ako ng isa pang bondpaper. Kinopya ko na lang ang sagot ko sa isang papel, minali ko ang iba para hindi na lang halata.

Isa ko pang problema neto, yung sulat ni Alexis, kapag ako ang nagsulat, malamang mahahalata ako, patay na!

Hindi ko alam ang sulat niya, hindi ko alam kung anong style ang kaniya, cursive ba o normal lang? Wala akong alam na gawin kundi ang ipasulat na lang sa iba.

(A/N: Bad ang ginagawa ni Heira, wag tularan.)

Ayusin mo kasi ang buhay ko, Ms. Author, nakakastress na!

Bumaba ako, dumeretso ako sa kwarto ni Aling Soling, hawak ko ang bondpaper tsaka yung sagot, syempre may ballpen din.

Kumatok ako ng dalawang beses bago niya buksan ang pinto. Mukhang bagong hilamos si Aling Soling.

"Oh, hija, may kailangan ka pa ba?" Binuksan niya ng malawak ang pinto, pinapapasok niya 'ko kaya gano'n.

Pumasok ako at umupo sa kama niya, malinis talaga ang kwarto niya, mas malinis pa kesa sa kwarto ko, maayos din ang gamit niya, nahuhuli talaga ang kwarto ko.

Pinakita ko sa kaniya ang hawak ko.

"Aling Soling... pasulat naman oh..." Nag pacute pa 'ko tsaka ngumuso.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon