CHAPTER 56

24 3 0
                                        

Panaginip

TRINA'S POV

"Sinong naospital?"

Tanong ko, nag aalala na 'ko, ayaw magsalita ni Adriel basta niya na lang kami hinila sa kotse niya. Naiwan ang iba sa karinderya para asikasuhin ang mga kumakain, sila na rin ang nagbantay do'n.

"Si Heira." Panimula ni Adriel nung nasa kotse na kami, pinaandar niya agad 'yon.

"Anong si Heira?" Gulat na tanong ni Zycheia.

"Siya ang naospital."

Do'n kami nagulat lahat, halos habulin na ni Zycheia ang hangin dahil sa bigat at bilis ng paghinga niya, kinuyom niya ang palad niya.

Ano na na naman kayang nangyari sa kaniya?

Napabuga na lang ako sa hangin, ano na na naman bang nangyari sa kaniya? Paulit-ulit na tanong ko sa isip ko, lagi na lang siyang napapahamak, kung hindi siya dadalhin sa clinic, sa hospital naman ang deretso niya.

Ang dami naman yata niyang kaaway?

Napatingin ako sa side mirror ng sasakyan, nakasunod do'n ang isang pamilyar na kotse, kotse 'yon ni Vance. Nagmamadali rin siya, hindi ko alam kung alam niyang si Heira ang nasa hospital.

Gaya-gaya 'yong tukmol na 'yan eh.

Ako at si Zycheia ang kasama ni Adriel ngayon, katabi ko siya, ako na ang nang-alo sa kaniya dahil ramdam ko ang panginginig ng kamay niya.

Nagpaiwan na 'yung iba sa karinderya, hindi naman kami kakasya dito sa kotse ni Andriel kung sasama sila, baka pagbawalan rin kami sa hospital dahil sa rami namin.

Halos paharurutin na ni Adriel ang sasakyan niya para lang makarating kami sa hospital, mahigpit akong napahawak sa headrest ng upuan dahil sa takot na baka sumemplang kami sa ginagawa niya.

Nakarating kami sa hospital, nagulat pa 'ko nung makita ko si Vance na nasa harap ng entrance, hinihintay yata kami.

Ang bilis naman neto? Dapat nauna kami eh!

Nung makapasok kami sa hospital ay do'n pa lang sumagi sa 'kin ang kaba, nung makita ko ang mga nurses na may hawak na syringe at yung mga doctor na may bahid ng dugo ang coat parang gusto ko na lang umuwi.

Gagaling ka naman dito, 'di ba, Heira?

Pero hindi! Hinga ng malalim Trina kaya mo 'yan, inhale, exhale! Bawal mag blackout, don't me!

"NASAAAAAN SIYA!" Sigaw ko nung makita ko sina Asher at Kenji na nakaupo sa mga benches malapit sa E.R. "WAAAAA! HEIRA! WHERE NA YOU?!" Sigaw ko ulit, tumakbo pa 'ko para makalapit sa kanila.

"Hoy! Pati dito dinala mo 'yang kaingayan mo! May natutulog!" Saway ni Vance.

"Nasa'n si Heira?" Tanong ko kay Adriel pero kunot noo lang ang sinagot niya sa 'kin kaya kay Kenji ako bumaling. "Nasan? Nasa'n siya?!"

"Nand'yan." Inis na turo niya sa E.R, "kung makapaghanap ka para namang 10 years kayong hindi nagkita."

"Paki mo ba?" Nagcross arm ako.

"Anong nangyari? Okay na ba si Heira? Bakit siya nandito? Akala ko ba mamalengke lang kayo?" Sunod-sunod na tanong ni Zycheia nung makalapit siya sa 'min.

"Hinay-hinay lang, mahinga ang kalaban, hinga, Zycheia, kaya mo 'yan." Pangongomfort ni Xavier sa kaniya.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon