Kio
HEIRA'S POV
"I'm her boyfriend..." pigil ni Kio sa sasabihin kong nagkanda utal-utal na, kinindatan ako nito at ngumisi.
Ako naman ay natigilan dahil sa sinabi nito sa mga kasama ko. Ang sarap niya ngayong ihampas sa pader ng paulit-ulit hanggang sa matauhan sa kaniyang sinabi.
Linshak! Bonak!
Baka kung anong isipin ng mga 'to sakin jusme ka, Kio. Alam ko na ang ginagawa niya, hay, siraulo talaga 'to kahit kelan. Nanlalakihan ang mata ng mga kasama namin.
Halos manginig ako dahil sa narinig ko. Hindi si Kio kundi si...
"WHAT THE HELL DID YOU SAY?" sigaw ng kung sino sa labas, nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto kung kaninong boses iyon nanggaling. Nilingon ko ito at bakas sa mata niya ang inis at GALIT.
Kayden...
"I'm her boyfriend." Nakangising pag-uulit ni Kio.
Hinapit niya pa ako tsaka inakbayan! Anak ng putcha, papatayin ko talaga 'tong lalaking 'to mamaya pagkauwi.
"Isha? T-totoo ba 'to?" Tanong ni Eiya pero hindi ko siya sinagot. Nakatingin lang ako sa dalawang hudlong dahil naglalaban ang mga mata nila.
"May problema ka ba? Ace?" Tanong ni Kio!
"Fynn." Sagot ni Kayden
Shet! Magkakilala sila? Wala akong kilalang kaibigan ni Kio mula dati pa. Bakit sila magkakilala tsaka kailan pa? Parang walang naikukwento si Kio sa 'kin ng tungkol dito ah.
Sinundot ko ang tagiliran ni Kio, nagbabakasakaling bibitiwan niya ako. Pero mission failed. Ni hindi man lang yata siya tinamaan ng kiliti eh.
"We don't have a problem but when it comes to Heira..." Pabitin na sabi ni Kayden at bigla niya na lang akong hinila na parang wala lang.
"...Meron na."
Halos dumadagundong ang tibok ng puso ko dahil sa bilis no'n. Pwede bang huminga muna?
Inilagay ko ang palad kong nakakuyom sa dibdib ko, pinipigilan ko lang ang pagtibok no'n, baka biglang na lang lumabas sa ribcage ko at iwan ako.
Nakatingin LAHAT sa 'min. Mga nagtataka. Mga naiinis. Mga gulat at galit ang mukha nila. Para bang nasa isa kaming teleserye.
"Yakie! Nagpromise ka sa 'min."
"Sino siya? Bagong kaklase nananaman?"
"Alis na, Fynn. Baka bukas nakaburol ka na."
"Dumugin si Kio!"
"Ayahaaay! Patay na ang buhay!"
"Bakit? Are you her boyfriend?" Sarcastic na sabi ni Kio. "I AM HER BOYFRIEND."
Anak ng... pinanindigan talaga niya! Siraulo ka? Kambal nga tayo. Parehas tayong galing sa ano ni mommy! Boyfriend ka riyan. Kadiri ka.
"No. You're not."
"Yes I am."
Ano 'to? Labanan sa englishan? Kung gano'n naman pala eh 'wag niyo na 'kong idamay. Kaya niyo na 'yan.
"You are not her boyfriend." Matigas na sabi ni Kayden.
"How can you be sure?" Nakangising ani Kio, tumingin pa sa 'kin ang bwisit. "Mahal mo 'ko, 'di ba, Heira Yakiesha?"
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
