CHAPTER 94

29 2 0
                                        

Christmas tree

HEIRA'S POV

"Heira anong plano?" Nahihiyang tanong ni Xavier kinabukasan.

"Anong 'anong plano'?" Maangan kong  sabi.

Kagabi kasi ikinukwento ko sa kaniya yung ginawa ni Trina. Tuwang-tuwa ang gago dahil sa sagot ni Shikainah, talagang tumawag pa siya sa 'kin para iparinig ang mga tili niya. Parang babaeng naipit ang singit. Putcha, gan'to pala kiligin ang lalaking 'to.

Hindi ko na sinabi sa kaniya yung ibinulong sa 'kin ni Shikainah, baka bigla na lang humagulgol ampota. Ibaba ko na nga dapat ang tawag matapos niyang ikuwento sa 'kin ang lahat ng hinanakit niya kay Jonas.

May sinabi pa nga siyang, "hindi sila bagay ni Jonas ‘no? Ang pangit no'n." Natawa ako dahil parang bitter siya sa nakita niya kahapon, sabi niya, "ang ganda nung pa-bouquet niya 'no? Pwedeng ilagay sa mga altar... yung Sto. Niño."

"Sabi mo tutulungan mo 'kong gumawa ng paraan para bumalik sa 'kin si Shikainah?" Nakasimangot na tanong niya.

Totoo yun, sabi ko sa kaniya ay haranahin niya rin si Shikainah baka sakaling um-oo siya sa kaniya. Ang kaso, hindi raw siya marunong mangharana kaya ako ang kinulit niya, tulungan ko raw siya kapalit no'n ay ilibre niya raw ako. So, pumayag ako.

Sayang ang grasya, bawal tumanggi kapag nasa malapit na.

Gusto ko talaga siyang batukan kanina, pa'no ba naman kasi, sa sobrang excited niya, susunduin niya raw ako para makapag-usap kami sa gagawin. Ang king ina, pumunta ng bahay ng ala singko ng umaga! Handang-handa na!

Minadali ko pa nga ang pagligo dahil panay ang pagtunog ng cellphone ko, siya pala ang nagtetext, gumising na raw ako, sabi niya. Ni hindi nga ako nakakain dahil sa pagmamadali niya, parang may karerang sasalihan ang bonak.

"Haranahin mo nga kasi." Sagot ko sa kaniya bago humigop sa sopas na binili namin kanina sa labas.

Sa kotse niya 'ko sinakay, sabi ko sa kaniya ilibre niya 'ko kasi hindi ako nakakain, um-oo naman siya. Kung sa paningin siguro ng iba, akala nila ako ang nililigawan niya, myghadness! Di ko feel. Tinutulungan ko lang po siya.

"Pa'no nga kasi! Yakie naman ih," inis na sabi niya.

"Kalalaki mong tao hindi ka marunong mangharana? Kung ako kay Shikainah hindi na kita babalikan." Sabi ko pero sinamaan niya 'ko ng tingin. "Joke." Bawi ko.

"Marunong akong mangharana, parang nanliligaw ka lang nun diba?" Taas noong sabi niya.

Nagkibit balikat ako. "Malay ko, hindi pa naman ako nanligaw. Hanap ka sa libro."

"Tsh! Sleeping pills ko ang mga libro, kaya nga ayokong nagbabasa eh."

"Pero sa love life ang bilis mo 'no? Magaling ka d'yan."

"Wag ka na kang maingay, ano na nga kasi yung plano, nakaisip ka na ba?" Tanong niya.

Hindi ako sumagot dahil narinig ko ang ingay ng mga kaklase namin, alas sais pa lang ah, ang aga yata nila ngayon?

"Anong ganap?" Tanong ni Vance ng makapasok sa room.

"Tanungin mo 'tong kaibigan mong hudlong. " Sagot ko.

"So! Watsup! Watataps, anong meron bakit mo kami pinapasok ng maaga?" Tanong ni Trina.

Huminto ako sa pagkain. "Pinapasok mo rin sila ng maaga?" Tanong ko, tumango naman si Xavier. "Bakit?"

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now