CHAPTER 5

42 5 0
                                        

Laglagan na!

HEIRA'S POV

Napakasaya!

Oo napakasaya ng buong araw ko ngayon, bukod kasi sa hindi ko nakita ang mga nakita ko kahapon, lalo na yung si Vance at si Xavier na walang ginawa kung hindi ngumiti ng ngumiti na parang clown, ay nahithitan ko si Eiya para sa libreng miryenda.

Aasarin pa kasi ako, ayan nanlibre ka tuloy!

-FLASHBACK-

Last subject na namin ngayong hapon. Pumasok na ang teacher kaya naman hindi na namin nagawang mag usap ni Zycheia.

“Okay class, ang aking pangalan ay Ma'am Maria Arra Gustavina, ako ang inyong guro para sa asignaturang Filipino.” Aniya.

Maputi siya, mukha pa lang siyang bata, matangkad, bagsak ang buhok, simple ang itsura, siguro ay nasa 20 years old pa lang ang edad niya.

“Bago ako dito kaya sana ay pakisamahan natin ang isa't isa ng maayos, inaasahan ko ang kooperasyon niyo at sana ay maging aktibo kayo sa aking klase.” Pagpapatuloy niya, habang nakangiti. Tinignan niya ang buong klase, isinasaulo lahat ng mga mukhang nandito.

“Ma'am can I ask some questions?” Tanong ni Miguel, 'yong mukhang habulin ng chicks.

Chicks...sisiw hehe

“Filipino ang ating asignatura kaya nais kong gamitin ninyo ang wikang Filipino sa tuwing magsasalita kayo o 'di kaya'y magtatanong kayo sa akin at sa inyong mga kaklase, nagkakaintindihan ba tayo?” Pag papaintindi niya.

“Opo ma'am.” Sagot ng lahat.

“Ano ang iyong tanong, ginoo?” Baling niya kay Miguel.

Ilang taong gulang na po kayo?” Magalang na tanong ni Miguel.

Tahimik ang lahat, halos ang kabuuan ng klase nakatingin sa dalawang nag uusap, sina Miguel saka si Ma'am Gustavina.

Ako'y dalawampu't tatlong gulang na.” Nakangiting sagot naman ni Ma'am Gustavina.

“Saan po kayo nakatira?” Parang interviewer naman kung makatanong si Miguel!

“Pupuntahan mo ba ako sa aking tinitirhan kung aking sasagutin ang iyong tanong?” Sarkastikang sagot ni ma'am.

“Hindi po, nagtatanong lang po hehehehe.” Napapahiyang ani Miguel.

“Kung gayon ay maaari ko rin bang hindi na sagutin ang tanong mo?” Natigilan si Miguel, “...uumpisahan ko ang ating diskusyon.” Dagdag niya.

“Ma'am isa na lang po hehehe.” Pahabol ni Miguel.

“Sige.” Tipid na sagot ni ma'am.

Nag isip pa muna si Miguel saka ngumisi bago magtanong. “May nobyo na po kayo?” Biglang tanong niya.

Natigilan naman si Ma'am Gustavina. Nawala ang mga ngiti sa mukha niya at napalitan ito ng seryosong mukha. Nag iwas siya ng tingin saka bumuntong hinga. Malakas na buntong hininga.

Kung tutuusin ay hindi naman masyadong personal ang tinanong ni Miguel pero sa nakita kong reaksyon ni Ma'am Gustavina ay halatang ayaw niya itong pag usapan.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now