CHAPTER 75

24 3 0
                                        

(A/N: So, ayon, medyo busy tayo mga mars, kaya medyo matagal ang update. Btw. Maraming chapter ang acquittance party! Maraming ganap :>)

—Acquittance party—

His song

HEIRA'S POV

"Sa'n ka galing?" Bungad ni Kenji nang makabalik ako sa lamesa namin.

"Sa banyo lang." Simpleng sagot ko bago ako umupo ulit.

Para naman akong nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa mga narinig ko kanina. Kahit mukha akong walang pake kanina pero sa totoo kinakabahan ako.

Pagkatapos ko kasing lumabas do'n ng kaswal, kumaripas ako ng takbo. Baka sundan ako nung mga yun. Kung ano-ano ngang daan ang dinaan ko para lang makalayo ako.

Akala ko nga short cut ang dinaanan ko yun pala long cut!

Pilit nila akong pinapabalik pero hindi ko sila pinansin. Ano ako tanga? Baka ikulong pa nila ako sa banyo kapag bumalik ako dun.

"Mukhang hingal na hingal ka, sumali ka ng fund run?" Natatawang tanong ni Asher.

Hindi ako sumagot. Pasensya na, wala ako sa mood makipagtawanan sa'yo.

"Bakit ang tagal mo?! Tumae ka 'no?" Tanong ni Kenji.

Tinignan ko naman siya na parang nandidiri. Hindi pala parang. Talagang nandidiri ako. Ang baboy naman netong magsalita, may kumakain kaya sa harapan namin 'no!

Teka! Sa'n nila nakuha 'yun? Gutom na 'ko 'no.

Kinalbit ko si Eiya pero hindi niya 'ko pinansin. Busy siya sa cellphone niya, mukhang kinikilig pa. Nakita ko rin si Elijah na hawak ang phone niya pero maliit na ngiti lang ang nasa mukha niya.

Lam na dis.

Si Trina naman tsaka Alzhane nagkukwentuhan hindi ko maistorbo. Si Hanna naman kumakain. Sana all. Wala si Kenji, ewan ko sa'n pumunta yun.

No choice kaya si Vance ang kinalbit ko. Agad naman siyang lumingon sa 'kin.

"Bakit?" Tanong niya bago tumingin ulit sa covered court. May nagsasayawan na pala ro'n. Mga sexy.

Ayun tayo eh. Kapag mga sexy talagang makatawag pansin eh.

"Tulungan mo 'ko." Tinutok ko ang bibig ko sa tenga niya dahil malakas ang tugtugan.

"Ha? Bakit? Sa'n kita tutulungan? May problema ba?" Sunod-sunod na tanong niya.

Wait! Wait! Wait! Isa-isa lang, mahina ang kalaban.

"Kuha tayo ng pagkain, gutom na 'ko!" Sabi ko, mukhang napalakas 'yun kaya tumingin sa 'kin ang iba.

Pilit na ngiti lang ang binigay ko sa kanila. Nagmukha pa yatang ngiwi 'yon. Bago pa nila ako idescribe ay hinila ko na si Vance papunta sa may mga pagkain.

Sabi kasi sa 'kin ni Xavier dati, hindi ko siya nilalait, dinidescribe ko lang.

Oh, diba, sosyal. Kaya nga bago nila ako idescribe, umalis na 'ko.

"Bakit ba nagmamadali ka? Gutom much?" Tanong niya nung makalapit kami sa mga nakacater.

"Oo! Kaya ‘wag mo 'kong bwisitin baka ipakain kita sa mga alaga ko." Pagbabanta ko bago kumuha ng plato.

Agad namang umaksyon ang mga crew. Naka-uniform pa sila na pang-chef. Sila ang nagsandok sa 'kin ng kanin, chicken roll at sepuegg.

Napasimangot ako. Bakit sa iba, sari-sarili silang nagsasandok. Kapag kami limitado? Ang konti tuloy ng nasa plato ko. Unfair naman!

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon