Ingrown
HEIRA'S POV
"Adriel, 'di ba kapampangan ka?" Tanong ko sa kaniya, hindi ko siya tinignan dahil busy ako sa pag-iintindi rito sa assignment niya.
"Oo."
"E bakit pang-chinese 'tong sulat mo?" Pagbibiro ko sa kaniya.
"Ikaw na lang ang nanghihiram, ikaw pa ang nagrereklamo. Tss. Why don't you just thank me?"
"Edi thank you. Mas thankful pa sana ako kung maganda ang sulat mo." Sabi ko pero biglang sumeryoso ang mukha niya kaya kaagad kong binawi 'yon. "Joke lang. ‘Wag mong seryosohin."
"Tss. Kopyahin mo na lang ang mga gusto mong kopyahin mamaya sa room, basta ibalik mo."
"Oo naman, salamat ah. Pero ano ba 'tong nakasulat na 'to?" Tanong ko sa kaniya sabay turo sa nakasulat.
Ang gulo kasi no'n, siguro nga ay siya lang ang nakakaintindi no'n dahil siya ang may sulat. Halos manliit na nga ang mga mata ko eh.
"Wait. Archaeology is the study of the remains of the past from the deepest prehistory to the recent
past." Sagot niya sa 'kin.
"Sa'n mo ba nahanap ang mga 'to? Wala akong nakita sa libro eh."
Kahit hindi ko nagawa itong assignment namin na 'to, nagbabasa pa rin ako ng mga past lessons tsaka nag-aadvance reading din ako para hindi ako mahirapan.
Kung hindi ko gets ang mga sinabi nung teacher namin, sa libro ko hahanapin para mapabilis na lang 'yon, marami pa namang oras ang natitira bago kami kumain.
Kapag libreng oras ko rin ay pagbabasa ang ginagawa ko. Syempre pati pagkain din.
"Online. I searched for it on google. because we are in modern times now, other answers we can't find in the book, you can find it online."
"Ah.." Tumango na lang ako sa kaniya. "Oh, eto ano naman 'to?"
Ang dami pala naming assignment, ni hindi ko nga naisulat ang mga questions kahapon. Mukhang mahihirapan ako sa pagkopya ng mga 'to dahil marami-rami rin ang sagot niya.
Pero iibahin ko 'yung iba. Baka kasi mahulata ni Ms. Jones. Hahanap na lang ako sa online rin, baka makahanap ako ng ibang answers. Kahit hindi na muna ako kumain, tiyak na malaki ang points neto, dapat kong maipasa 'to. Baka bumagsak ako.
Jusme! Ayoko no'n.
"Ayan." Mahina kong inabot sa kaniya yung notebook niya. "Basahin mo nga, Adi. Last na rin naman 'yan, alam ko na 'yung iba."
Kinuha niya naman 'yon, kumunot ang noo niya habang nakatutok sa notebook. Oh, ano! Hindi mo rin maintindihan 'no?
"The third and most efficient method is the ‘radio-carbon dating systems’ which is widely used today. This is a scientific method and it can give accurate dates to remains like bones,
objects and remains of organic materials." Pagbabasa niya.
"Ang haba naman ng sagot mo!" Reklamo ko.
"You can make it shorter." Suggestion niya. "Ang dami mong reklamo, ah."
Ngumisi ako sa kaniya tsaka ko siya kinindatan. Anak ng shuta... namula ang ate niyo. Tumingin na lang ulit siya sa nilalakaran namin.
Hindi ko na namalayan na nakapasok na pala kami sa B.A.U, ang daldal kasi netong Adriel na 'to eh, ang daming sinasabi. Char.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
