Oplan maging tindera
HEIRA'S POV
"KAINAN NA!"
Nanguna na ang batang singkit, mukhang gutom na gutom eh, lagi naman pala siyang gutom.
"Pwede na bang kumain ng kanin si Maren?" Tanong ko kay Alexis nung mag umpisa na kaming kumain.
Tumango siya. "Oo naman, basta konti-konti lang."
Nangutsara ako ng kaunting kanin na may sarsa, hinipan ko muna 'yon bago ipakain kay Maren. Pati pagnguya niya napakacute.
Don't worry safe ang hininga ko, nagtooth brush ako kanina.
Chicken barbecue kasi ang ulam, pero iba yung pagkakaluto neto, hindi kamukha nung iniihaw nila, mukhang pinirito muna ang manok tapos iginisa sa timpladong sabaw. Mas malasa nga 'to eh.
"Talap?" Tanong ko sa kaniya. Tumawa lang siya tsaka pumalakpak.
Sumubo muna ako ng ilang beses bago pakainin ulit si Maren, nung papasubuin ko na sana siya, napatigil ako nung may hawak siyang french fries.
Sa'n niya galing 'yon?"
Tumingin ako kay Alexis na nakatingin rin pala sa kapatid niya, nagkibit balikat lang siya at nagpatuloy sa pagkain.
Nagkibit balikat na lang din ako, baka binigyan siya ng mga nasa harap namin, pero hindi eh, dapat sana napansin ko 'yon kung sila nga ang nagbigay no'n.
Imposible namang si Maren ang kukuha no'n para sa sarili niya, hindi naman niya abot ang plato ng french fries dahil maliit ang kamay niya, hindi rin naman siya umakyat sa lamesa at gumapang papalapit sa mga 'yon.
Baka kung saan niya na pinulot ang kinakain niya, inosente pa naman siya, wala pang muwang.
Kumain na muna ako ng ilang pang beses bago ulit pasubuan si Maren, hindi naman kasi pwedeng sunod-sunod ang pagsubo ko sa kaniya, hindi niya agad mangunguya 'yon baka mabulunan pa.
Nung susubuan ko na sana siya ulit, nagtaka ako kung bakit may hawak naman siyang cookie ngayon. Sarap na sarap nga siya sa kinakain niya, may mga cookie crumble pang nagkalat sa paligid ng bibig niya.
Hinayaan ko na lang siya, malambot naman 'yon, hindi ko na muna siya pinasubuan, pinainom ko na lang siya ng tubig.
Kumain na lang ako, pinapakinggan ko ang chismisan ng iba pang kasama namin, nakikitawa lang ako sa kanila pero wala akong balak sumali sa kanina 'no, busy ako sa pagkain, ang sarap eh, sayang naman.
Nung lumingon ako ulit kay Maren, may hawak naman siya ngayong chips, inosente niyang tinitignan ang nalilito kong mukha, sa'n mo ba nakukuha yang mga 'yan bata ka?
"Alexis..." Tawag ko pero na kay Maren pa rin ang paningin ko,
Nakakawili naman siya, ang cute kasi ng mga maliliit na daliri niya tapos pati pagkagat niya nag liliit. Hindi pa kompleto ang ngipin niya kaya medyo kita pa ang gilagid niya.
Pinisil ko ang pisngi niya kasunod ang ilong, 'wag na kayong magtaka kung bakit natutuwa ako sa kaniya, wala naman kasi akong kapatid na baby diba? Nakakainggit naman.
"Bakit?" Do'n pa lang siya sumagot, tumingin ako sa kaniya.
"Ikaw nagbigay neto?" Tanong ko sabay turo sa hawak ni Maren.
"Hindi ah, ikaw nagpapakain sa kaniya, malay ko ba." Sagot niya.
Ngumiwi ako. "Akin na baby ha.." Kinukuha ko ang hawak ni Maren na chips. Pero hindi niya binigay 'yon, "...baka masugat ang kinagid mo eh." Syempre dapat may lambing, nung makuha ko na ang chips na hawak niya, akala ko ayos na kaso bigla na lang siyang lumabi at umiyak, tinignan tuloy kami ng iba.
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
