Girlfriend
HEIRA'S POV
"ANONG KAILANGAN NIYO?"
I asked boredly. Ang dami kasi nila tapos nakablack pa sila, parang galing sila sa libing eh. Parang gangsters sila sa kanto dahil sa suot nilang blazer.
"Natatandaan mo pa ba kami?" Anang isang lalaki, siya yung lalaking pumigil dati sa bike ko eh, yung humarang sa daan.
"Bakit? Notes ka ba para matandaan ko?" Sarkastiko pero walang ganang tanong ko.
Nakakawala kasi sila ng mood, alam ko namang gulo lang naman ang hatid ng mga 'to, malamang may warning na na naman ang 'amo' nila kuno.
"Gusto mo bang ipaalala ko sa'yo kung sino kami?"
"Hindi na, sayang lang HO ang laway niyo."
Bakit pa niyo pa ipapaalala eh kilala ko naman kayo, mas mabuting tumahimik na lang kayo.
"Hindi mo naman sinabing napakakinis ng kaaway ni boss." Sabi nung isa habang nakangisi, pinasadahan pa ang kabuuan ko.
"Sayang nga lang siya, baka mangitim ang balat niya." Sabi naman nung isa.
Akala mo naman masisindak ako, gago! Hindi naman ikaw si Sadako.
"Ano bang ginawa mo sa boss namin at galit na galit sa'yo?" Tanong ulit nung lalaking naunang nagsalita kanina.
"Ewan ko HO, bakit niyo HO sa 'kin itinatanong?" Madiin na sagot ko, dapat tayong matutong gumalang sa mga nakakatanda at mukhang matanda.
"Hindi ka pa rin nagbabago kahit naibigay na sayo ang unang babala ni Boss D.
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niyang pangalan. D? Sinong D? Dora? Doraemon?
"Hindi ko naman HO kailangang magbago para sa inyo."
"Palaban siya sa sagutan, pwede ka sa balagtasan." Biro ng isa pang kasama nilang may toothpick na nakasalpak sa bibig niya.
Tumawa sila dahil sa biro niya, tawang nababalot ng kademonyohan, napatingin pa nga sa kanila yung ibang bata pero hindi nila pinansin ang mga 'yon.
"HA HA HA." Sarkastiko kong tawa, "pwede raw ako sa balagtasan pero yung mga sinasabi niya mas magkakatunog pa, dapat ikaw na lang ang sumali." Dagdag ko na siyang kinatigil nila sa pagtawa.
Oh, ano kayo ngayon? Nganga?
"Ano pang hinihintay natin? Sayang lang ang oras." Naiinip na sabi nung isa pa.
"Hinay-hinay bata, baka nga hindi ka pa nakakahakbang papunta sa kaniya, tulog ka na." Insulto sa kaniya nung isang lalaki, isa siya sa mga nakaingwentro ko sa iskita dati, yung napatulog ko.
"Ang dami natin, isa lang yan, ano ka duwag?" Pambabara naman nung isa sa kaniya.
"Kaya ka nga niyang ibalibag, kung ayaw mong maniwala, bakit hindi mo siya subukan?" Anang isa pa.
Ngayon sila naman ang nag aaway-away, ang hina naman ng mga 'to, pati kakampi nila inaaway nila, para silang gago. Pwede naman silang isa-isang sumugod pero mas pinili nilang magbangayan sa harap ko, ano 'yon umeeksena sila gano'n?
"Yung hinabilin lang ni boss ang gagawin natin, wala ng iba." Ani nung isa.
Nagcross arm na lang ako habang bitbit ko yung mga pinamili namin kanina, tumayo ako ng tuwid at pinanood sila.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
