CHAPTER 53

24 2 0
                                        

We're back

HEIRA'S POV

"Shit, sorry miss, are you okay?"

Napahawak na lang ako sa noo ko dahil sa kirot no'n. Binaba niya ang dala niyang mga basket.

Napahinto kasi ako nang tawagin ako nina Asher. Hindi ko alam na may tao palang nakasunod sa likuran ko at may dala pang tatlong malalaking basket na may lamang prutas. Saktong pagkaharap ko ay siyang pagtama ng isang basket sa noo ko, kasunod no'n, nakatumba na 'ko sa lupa.

Tinulungan ako nung dalawa kong kasamang tumayo, kumapit ako sa isang batong pinagpapatungan ng paninda tsaka hinimas ang noo ko.

Sa tingin ko namumula na 'to, sana lang hindi ako mabukulan. Tumingin ako sa lalaking nakabunggo sa 'kin, nag aalala ang muka niya. Pinakita ko sa kaniya ang palad ko. Sinenyasan ko siyang 'ayos lang ako'.

"Okay lang ako, makirot lang." Halos pabulong na sabi ko.

"You sure?" Tumango ako. "Sorry, hindi ko napansin na huminto ka pala." Napapayukong dagdag niya, hinaplos niya pa ang batok niya.

Naramdaman ko ang masamang tingin mula sa gilid ko. Nakita ko si Asher na nakasandal sa kung saan din ako nakasandal, nakakrus ang mga braso niya tsaka deretsong nakatingin kay kuyang kargador.

Siya pa lang yata ang kargador na nakita ko na mukhang anak mayaman, kargador na mukhang americano dahil sa malagatas na kutis, idagdag mo pa yung kagwapuhan ng mukha niya, hindi halatang kargador siya ng prutas.

"Trevor..." Biglang anas ni Asher.

Trevor? Pamilyar ang pangalan na 'yon ah.

Nagitla naman ang lalaki kaya lumongon siya sa katabi ko, nanlaki pa ang mga mata niya, hindi makapaniwala sa nakita.

"Asher." Matigas na sabi niya.

"Magkakilala kayo?" Tanong ko pero hindi nila ako pinansin.

"Nandito ka pa rin pala." Tumatango-tangong sabi ni Asher.

"Yeah." Walang ganang usal ng lalaki bago bumaling sa 'kin. "Sorry ulit." Mahinang paumanhin niya bago buhatin ang dala niya kanina at umalis na.

"Sino 'yon?" Bungad ni Kenji na may dalang chitchirya.

"Sa'n ka na na naman galing?" Tanong ko, hindi pinansin ang tanong niya.

"D'yan lang, ang tagal ng eksena niyo eh, nakakainip." Sagot niya, may tumatalsik pang mga butil ng chitchirya.

Lumayo ako konti sa kaniya. "Akala ko ba wala kang pera, eh bakit ka mero'n niyan?" Turo ko sa hawak niya.

"Binigay lang sa 'kin 'to."

"Nino?"

"Namakla ka ba?" Sabat ni Asher sa usapan namin.

"Hindi ah, nacute-an lang sa 'kin yung tindera kaya nilibre niya 'ko." Parang batang nagkukwento si Kenji.

"Kanina nasa tabi lang kita, and then, now you're eating. Are you a ninja?" Nakangiwing tanong ni Asher.

Parehas pala kami ng iniisip sa mga ginagawa netong matsing na 'to, ang bilis niya kasing kumilos.

"Hindi. Taga Japan lang ako pero hindi ako ninja, pero kaya kita karate-hin." Nag posisyon pa si Kenji na parang nakikipaglaban.

"Padaan..." Lumingon kami sa nagsalita, may bitbit din siyang basket. Tumabi kami para bigyan siya ng daan.

"Punta kayo do'n sa park!" Pag aaya ni  Kenji, excited pang kumapit sa braso ko.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now