Namamaga
HEIRA'S POV
"Inaayos ko na yung pagbili ko ng ticket!" Masayang bungad ni Kio.
Kinusot ko muna ang mga mata ko tsaka humikab. Ang sarap ng tulog ng tao tapos bigla na lang magriring ang cellphone mo.
Maaga kasi akong nakatulog. Alas sais na pala ng umaga. Parang kanina lang ako natulog ah. Alas sais na ng gabi sa kanila kaya siguro siya tumawag.
"U-uuwi ka na?" Tanong ko.
Pinagmamasdan ko pa ang mukha ko sa camera. Nakabusangot ako habang magulo ang buhok ko. May muta pa nga ako pero sinagot ko ang tawag niya.
"Yes. Mga next week siguro or after two weeks." Sagot niya.
"Wait lang ah." Sabi ko sa kaniya bago tumayo at dumeretso sa banyo.
Naghilamos muna ako tsaka nagtoothbrush, nakalimutan ko yatang nagsepilyo kagabi, inantok kasi agad ako pagkatapos kong kumain.
Buti na lang at wala kaming assignment o kaya activity na gagawin kaya naman libre akong nakatulog ng maaga kagabi ng walang iniisip.
"Susunduin ka ba namin sa airport?" Tanong ko kay Kio ng matapos ako sa mga ginagawa ko sa banyo.
"Hindi na. I'll ride a taxi. Alam kong busy si mommy tapos ikaw walang license baka mahuli ka pa." Sabi niya.
Tumango naman ako. "Kasama mo bang uuwi si daddy?"
"No. Marami kasi siyang tinatapos na papers about sa business natin dito." Aniya.
"Business?" Takang tanong ko dahil ang akala ko nagtatrabaho lang si daddy sa isang kumpanya bilang isang empleyado.
"Yes, hindi mo alam?"
Umiling ako. "Hindi eh, akala ko ay nagtatrabaho lang diyang si daddy kagaya ng mga OFW."
"Oo nga, nagtatrabaho siya, yung business natin ang inaasikaso niya."
Tumango na lang ako at hindi na sumagot tungkol sa trabaho ni daddy. Nakakapagtaka lang na hindi niya sinabi sa 'kin 'yon dati. Palagi niya naman akong binabalitaan sa mga nangyayari sa kanila.
"Pagsalubong ko ah!" Paalala ko sa kaniya.
Uuwi na siya kaya sigurado akong amoy ibang bansa siya, syempre hindi naman uuwi 'to ng walang dala kaya pinaalala ko na sa kaniya.
"Pagdala kita ng snow? You want?" Natatawang sagot niya.
"Kung isang drum ba ang madadala mo, bakit hindi." Panghahamon ko sa kaniya tsaka ngumisi.
"Dalhin na lang kita rito."
"Joke lang. Ayaw ko riyan, baka hindi ko na gustuhing umuwi sa Pilipinas kapag napunta ako riyan." Sagot ko.
"Ano bang gusto mo? Damit? Heels? Libro?"
"Ayoko niyan, hindi ko type ang mga 'yan, okay na 'ko sa chocolate tsaka sa chuckie." Sabi ko.
Alam ko namang mabibili sa mga mall ang mga sinasabi kong gusto ko pero mas maigi ng bilhan niya ako atleast hindi na 'ko gagastos. Siya lang.
"Dalhan na lang kita ng americano?"
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Ngayon lang siya nagsalita ng gano'n ah, kung parang tinutulak niya 'ko sa ibang tao.
Pero pwede rin.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
