CHAPTER 88

25 3 0
                                        

Bwisita 3.0

HEIRA'S POV

"Ang galing kong sumayaw 'no, tita?" Pagmamayabang ni Kenji.

Kakatapos ko lang kumanta, nagpahinga sila saglit kasi raw nakakapagod sumayaw.

Sino ba naman kasing nagsabing sumayaw sila na parang manok tsaka tumatalon sa sofa na parang lumilipad. Pabalik-balik sila, yung isa parang uwak na ‘di makalipad.

I believe I can fly...

"Oo naman! Look at this. Vinideohan ko kayo!" Masayang sabi ni mommy.

Nagmadali naman si Eiya na lumapit kay mommy, pilit na inaagaw ang camera sa kaniya.

"Hala tita! Delete mo po!" Pagpipilit niya.

"‘Ayoko, ang cute niyo kayang tatlo oh!" Turo ni mommy sa camera.

"Tita! Mukha akong tanga diyan."

"Hindi kaya... you looked like sea horse." Pagbibiro ni mommy, napikon naman si Eiya kaya naman sumimangot siya.

"Ang ganda ko po tapos sasabihin mong I looked like sea horse, hindi ko tanggap yun!"

"Kidding.." Bawi ni mommy. "Isa pa, last na lang."

"Ayoko na po." Hinihingal na sabi ni Kenji.

"I'll buy you some ice cream."

"Hindi pa pala ako pagod, gusto ko pa, Zycheia, sing!" Utos niya kay Eiya bago umakyat ulit sa couch.

Napailing na lang ako, bakit ba ang bilis ng lalaking 'to kapag pagkain ang usapan? Kapag walang pagkaing kapalit hindi siya susunod sayo.

Ang hyper kasi kaya laging gutom. Yung kinakain niya ay agad na nagiging pawis. Ewan ko nga dito kung nahuhulog pa ba sa tyan niya ang kinakain niya o agad na nagiging pawis 'yon.

"Teka lang, hanap ako ng kanta!" Inis na sabi ni Eiya.

Habang hinihintay ko silang maghanap ng pwedeng kantahin ay umakyat ako sa kwarto. Kung anong gagawin ko? Hindi ko rin alam, basta gusto ko lang umakyat ng kwarto.

Narinig ko ang pag-ring ng cellphone ko kaya naman nagmadali akong tumakbo. Nakapatong sa kama ko 'yon at nakita kong tumatawag si Kio.

Wala ba 'tong klase? Byernes pa lang ah.

["Hello, shoppe po ito."] Bungad niya.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. Kailan pa siya naging delivery boy ng shoppe?

"Wala akong inorder, pakicancel po ang parcel." Pagbibiro ko, narinig ko pa ang pagtawa niya. "Ulol! Manahimik ka nga!" Bulyaw ko sa kaniya.

["Nasa'n si mommy?"]

"Wala tulog, umalis, naglakad." Walang kwentang sagot ko sa kaniya.

["K. Bye."] Nagkunwari siyang papatayin ang tawag.

Pinigilan ko naman siya sa gagawin niya kahit pa kunwari lang 'yon. Matagal na ring hindi tumatawag sa 'min si Kio eh. Minsan tumatawag lang siya para sabihin na naipadala niya na ang allowances ko tapos papatayin niya na. Oo gano'n siya. Parang busy lagi.

May jowa na siguro 'to kaya minsan kapag ako ang tumatawag sa kaniya, busy ang line niya. Kapag weekends, walang pasok pero hindi mo makontak.

"Huy! ‘Wag mong papatayin," sabi ko, ginawa niya naman. "Wala ka yatang pasok?" Tanong ko habang pababa na ng hagdan.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now