CHAPTER 29

28 3 0
                                        

Asmodeus men vs Dark 13

HEIRA'S POV

KINABUKASAN

Naghanda na 'ko sa pagpasok, nag almusal kasabay si mommy tsaka na nagpaalam na papasok na.

Nung makarating ako sa parking lot at dating gawi — inilock ko ang bike ko tsaka kinuha ang gamit ko sa basket.

"Good morning!" May nagsalita sa likod ko habang naglalakad, nilingon ko 'yon at nakitang si Asher 'yon.

"Good morning din." Sabi ko tsaka ginulo ang buhok niya, kahit medyo matangkad siya sa'kin, inabot ko pa rin 'yon.

Sumama naman ang mukha ni Asher, sinamaan niya 'ko ng tingin, nakakatawa lang dahil para siyang batang nakasimangot, ayaw niya kasi ang ginugulo ang buhok.

"Nakahiligan mo na 'yan 'no?" Nakangiwing aniya.

"Medyo lang."

"Ang ganda na ng ayos, ginulo pa." Bulong niya pero narinig ko.

"Sanayin mo na ang sarili mo sa mga ginagawa ko." Ngumisi ako. Ngumiti naman siya.

Tumingin siya sa camera niya.

"Kuhanan kita ah?" Biglang paalam niya bago pa 'ko sumagot ay nagflash na ang camera sa mukha ko.

"Woi! Bwisit ka, hindi pa ready!" Inis na sigaw ko, baka kung ano ng itsura ko sa picture na kinuha niya.

"Okay na yon." Tsaka siya nag akto sa ere na parang may pinapakita. "Stolen shot." Parang namamangha pa sa ginawa.

"Stolen ka d'yan! Epic kamo!" Tsaka ko siya inirapan.

Huminto siya sa paglalakad kaya nahinto rin ako, akala ko naman anong gagawin niya, 'yon pala ay tinitignan niya ang screen ng camera niya tsaka abot tenga ang ngiti.

"Ayos naman 'to ah." Sabi niya.

"Patingin!" Sabi ko, pinakita niya sa 'kin ang picture ko. Hinigpitan niya ang hawak niya sa camera niya.

Linshak! Ang ganda nga. Nakakabwisit naman 'to, mukha akong adik sa picture, nakatingala ako sa camera, nanlalaki ang mata, nakanganga pa tapos ang buhok ko ang gulo, nakalimutan ko kasing magsuklay kanina.

"Akin na 'yan, buburahin ko!" Sabi ko tsaka ko siya sinamaan ng tingin, trip yata ako neto eh.

"No!"

"Akin na!" Hahablutin ko sana ang camera kaso bigla niyang tinaas 'yon sa ere, ang haba ng kamay neto kaya kailangan kong tumalon.

"Akin na, isa!" Pilit kong inaabot pero kahit anong talon ko hindi maabot.

"Abutin mo!" Pang aasar niya.

"Dalawa!" Tsaka ako tumalon, mahaba naman rin ang kamay ko kaso mas mahaba nag kaniya kaya wala akong magawa.

"Talon!"

"Tatlo!" Sumobra yata ang talon ko dahil nagkadikitan ang ilong na'ming dalawa, hindi ko inaasahan 'yon kaya nagulat ako.

Nailang ako kaya nag-iwas ako ng tingin, nose to nose 'yon, parang napaso ako kahit hindi naman siya mainit.

"P-pumasok na l-lang tayo." Sabi ko tsaka nagpaunang naglakad papasok.

Uminit ang pisngi ko kaya alam kong mukhang kamatis na 'ko neto, naalala ko kanina yung mga mata niyang nakatitig sa'kin at yung ilong niyang matangos, nakakainis naman.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now