CHAPTER 105

23 2 0
                                        

(A/N: Itong chapter na ito ay pwede ninyo pong laktawan kung gusto ninyo pero kung babasahin niyo, mas maganda iyon! Napanood ko kasi 'to kaya gusto kong gawin sa story ko, God bless =))

*****

Kung mahal mo

SHIKAINAH'S POV

-CONTINUATION OF FLASHBACK-

Paano ka nga ba makakatakas sa sakit gayong araw-araw mong nakikita ang mga gumawa no'n sa iyo? Paano kung ang babaeng sumira sayo ay pinakikisamahan mo na?

Nalaman ni Madison ang nangyari, galit na galit nga siya kay Xavier, kung kaniya nga lang daw ang eskwelahan na ito baka raw pinatalsik niya na ang lalaki palayo.

Kinamumuhian niya rin si Audrey, sa tuwing kami lang ay inilalabas niya ang inis niya sa babae. Ang sarap daw niyang kalbuhin at ingudngod sa pader dahil sa 'kaharutan at kakatihan' ni Audrey.

"Huwag ka ng makipagkita sa putangina 'yon!" Aniya, nakaupo lang ako sa harap niya habang siya ay nakapamewang na nakatingin sa akin.

"W-wala naman akong balak, k-kaya wag kang mag-alala." Sagot ko sa kaniya.

"Isa pa yung Audrey na 'yon! Ang sarap ipitin ng nguso niya sa mga lockers!" Galit na ani niya.

Wala naman makakarinig sa amin dahil na sa pinakadulo kami ng soccer field. Hinila niya ako rito dahil nga nakita raw niya si Xavier na naghihintay sa likod ng building namin.

Nang maghiwalay kami ni Xavier ay hindi ko na siya pinansin, hindi ko na rin siya iniyakan dahil hindi siya nararapat para sa mga luha ko.

Sinusubukan niya akong lapitan pero kaagad din siyang hihinto kapag nakita niya ang pagsama ng tingin ko sa kaniya. Laging malungkot ang mga niya at hindi niya na naayuasan ang sarili gaya ng dati.

"Hayaan mo na, huwag ka ng magalit, tapos na iyon at isa pa... wala na rin naman kami ni Xavier." Papahinang sabi ko dahil bawat salitang binitawan ko ay siya namang tumutusok sa puso ko.

Makirot.

"Buti naman at nakipaghiwalay ka na gagong 'yon, ang sabi ko sa kaniya ay huwag ka niyang sasaktan pero ano 'to? Ipakulam ko na kaya?"

Umiling ako. "Hindi ako ang nakipaghiwalay... siya. Siya 'yong nakipagbreak."

"Ano?! Ang kapal naman talaga ng pagmumukha niya! Siya na nga 'yong may kasalanan, siya pa talaga ang may lakas loob na hiwalayan ka."

"Kumalma ka nga!" Suway ko sa kaniya tsaka ko siya hinila para makaupo sa tabi ko. "Ang laki ng galit mo sa kanila, ikaw ba yung sinaktan?"

"Kahit na! Wala silang karapatan na saktan ka! You're a diamond! Dapat inaalalagan ka... dapat pinapahalagahan ka!" Gitil niya.

"Oo nga. Diamante nga ako. Para akong isang diamante sa isang mamahaling singsing ng isang babaeng may asawa na nakipaghiwalay sa asawa." Natatawang sabi ko.

Dahil kapag naghiwalay ang mag-asawa dahil sa isang problema, gagawa iyon ng isang malaking sugat kung saan iyon ang magiging dahilan ng pagkawalang halaga ng singsing.

Napailing na lang ako dahil sa naisip ko, bakit ba naiisip ko ang mga ito. Saan ko ba nakukuha ang mga katagang sinasabi ko?

Nababaliw na yata talaga ako.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon