CHAPTER 48

26 4 0
                                        

Late

HEIRA'S POV

"TUBIG!"

Anas ko, nalunok ko kasi yung marshmallow na nasa bunganga ko, feeling ko bumara 'yon sa lalamunan ko.

Agad naman niya 'kong nilungon matapos kong umubo ng ilang beses, kinakaboh-kabog ko pa ang dibdib ko, baka sakaling mawala yung nakabara.

"Tangina mo, tubig!" Inis na sabi ko sa kaniya, nakatunganga lang kasi siya sa 'kin. "Sige, hintayin mo na lang akong mamatay!" Nahihirapang sabi ko.

May kinuha siya sa side niya, isang black na tumbler na may tubig ang inabot niya sa 'kin. Kinuha ko naman 'yon tsaka ininuman. Wala na muna akong pakealam kung pinaginuman niya na ba 'yon o hindi.

"Ayos ka na?" Natatawang tanong niya pagkatapos kong uminom.

"Gago!" Singhal ko na lang tsaka pinunasan ang bibig ko gamit ang likod ng palad ko. Medyo nabasa pa ang damit ko dahil sa kakamadali kong uminom.

"Ang takaw mo kasi, ayan tuloy napapala mo." Sabi niya tsaka tumawa, bumalik na na naman ang pagiging may saltik niya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin tsaka uminom ulit. Parang iba nga ang lasa ng tubig, may flavor yata.

"Hinay-hinay naman sa pag inom, nung isang araw pa yang tubig na -!"

*PRRRTTTTSH!*

Naibuga ko ang iniinom ko dahil sa sinabi niya, naibuga ko sa mismong mukha niya.

"Ay, hala!" Sabi ko tsaka pinunasan ang mukha niya gamit ang kamay ko.

"Anak ng... tama na..." Pamimigil niya sa 'kin. "Lahat ng bacteria ng bibig mo, inilipat mo sa 'kin!" Sabi niya tsaka pinunasan ang mukha gamit ang laylayan ng damit niya.

"Eh, sira ka kasi!" Dinuro ko siya.

"Oh, bakit na na naman?"

"Ilang araw na pala 'tong tubig na 'to tapos pinainom mo pa sa 'kin!" Inis na sabi ko, tinaas ko pa ang tumbler na hawak ko.

Tumawa ulit siya. "Malay ko ba, wala ka namang sinabi na iinumin mo pala."

Ngumiwi ako. "Ah, talaga? Nabulunan ako tapos naghahanap ako ng tubig para ipanligo gano'n?" Sarkastikong sabi ko, binalik ko ang lalagyan ng tubig sa kaniya tsaka ako nagcross arm.

Hinawakan niya ang baba niya habang nakacross arm din. Umaktong nag iisip, tumango siya. "Pwede rin, malay mo naman naiinitan ka habang nabubulunan ka 'diba?"

Putcha, ang galing ng utak neto, ang galing galing galing, ang sarap ihampas sa pader ng limang beses hanggang matauhan sa sinabi niya.

"Ay we?" Sabi ko, tumango siya. "Bwisit ka! Muntik na nga akong malagutan ng hininga tapos pinainom mo 'ko ng tubig na ilang araw ng nakastock sa lalagayan ha?!" Sabi ko habang hinahampas siya, panay naman ang iwas at salag niya gamit ang mga braso niya.

Tumigil lang ako nung tumunog ang phone kong nasa dashboard.

"Ayaw mo no'n, napreserve." Sabi niya tsaka humagalpak ng tawa. "May unexpected flavor." Dagdag niya pa.

*BEEP* *BEEP* *BEEP* *BEEP*

Hahampasin ko na sana siya ulit nung may bumusinang sasakyan sa harap at likod namin.

Nanlaki ang mga mata ko nung mapansing nasa gitna pala kami ng daan. Nakahinto ang kotse ni Xavier sa gitna mismo.

"Anak ng!" Singhal ko, "andar na!" Utos ko, sumunod naman siya, parang pet lang.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now