Tumahimik ka
HEIRA'S POV
"Ang bigat ng kamay mo." Reklamo ni Kayden.
Sinapak ko kasi ang tyan niya tsaka ko siya binatukan dahil sa sinabi niya. Ang lapit niya lang sa 'kin kaya naman dumapo kaagad ang kamay ko sa kaniya.
Siraulong 'to, kung ano-ano ang mga pinagsasabi niyang 'yon. Kung nag-iisip ba naman 'to ng maayos edi sana hindi niya 'yon sinabi. Gago lang?
Buti na nga lang talaga at bulong lang 'yon, busy sa pagkain yung iba kaya hindi kami napansin. Ewan ko lang kay Kenji at Eiya, ang laki ng mga tenga ng dalawang 'to.
Narinig ko ang impit na pagtili ni Kenji sa isang tabi, baka narinig niya talaga yung sinabi netong hudlong na kulapo na 'to. Ang sarap sa ingudngod sa lamesa.
"Daldakin ko yang ngumuso mo!" Banta ko sa kaniya nang tumawa siya.
"As if you can do it." Sagot niya sa 'kin.
Bipolar ba 'tong lalaking 'to? Kanina walang reaksyon at poker face lang siya. Akala mo talaga ay galit sa mundo tapos ngayon kung makatawa siya parang wala ng bukas sa kaniya.
Hinayupak ka talaga!
Leader ba talaga 'to ng gang o leader ng kalokohan at kagaguhan? Kung ano-anong alam isipin eh!
"Kasi it's indirect kiss."
"Kasi it's indirect kiss."
"Kasi it's indirect kiss."
Demonyong tenga 'to talaga! Bakit ba naririnig ko nananaman ang mga pinagsasabi niya kanina? Nagfa-flashback sa utak ko 'yon.
Okay, Heira. Kalma. Easy ka lang. Keep calm. Inhale exhale.
Inayos ko ang upo ko at umaktong walang alam sa sinabi niya at nangyari kanina. Kunwari hindi ko alam na sa kaniya pala yung basong pinag-ininuman ko kanina.
Kunwari hindi ko siya nakitang uminom sa mismong parte ng baso kung saan dumapo ang bibig ko. Kunwari hindi ko narinig yung mga sinabi niya kanina.
Wala namang katuturan 'yon kaya dapat ng kalimutan. Dahil wala na 'kong pagkain sa harapan ko kaya naman kumuha na lang ako sa bag ko ng chips at chuckie.
Maliit lang 'yon kaya naman hindi sila makahingi sa 'kin. Iling-iling na lang ang ginawa nila nang binelatan ko sila. Maghihingi raw sila eh kulang pa nga sa 'kin 'to, bukas na lang kayo manghingi.
Habang sumisimsim ako sa chuckie ko ay nagsalita si Chadley.
"Hanggang ngayon pala mahilig ka pa rin sa chuckie." Sabi niya habang nakangiti.
Kunot noo ko siyang tinignan. Pa'no niya nalamang mahilig ako sa chuckie? Ngayong araw pa lang naman kami nagkita at 'nagkakilala'. Sino ba siya?
Tapos na siyang kumain, nakapatong ang dalawang siko niya sa lamesa, pinagsiklop niya ang mga kamay niya at tumingin sa 'kin ng deretso.
"B-bakit... pa'no mo n-nalaman?" Tanong ko sa kaniya.
"Matagal ko nang alam na mahilig ka sa chuckie kasi nga nag—!"
"Kasi sinabi ko sa kaniya." Pagpuputol ni Eiya sa sinabi ni Chadley.
Kumibot-kibot ang labi ni Chadley na para bang may gustong sabihin pero sa huli ay bumuntong hininga na lang siya at hindi na nagsalita pa.
"Bakit mo naman sinabi sa kaniya? 'Di ba nga galit ka sa kaniya?" Takang tanong ko kay Eiya.
Kanina lang ay halos isumpa niya na ang lalaki tapos ngayon sasabihin niyang ikuwento niya kay Chadley ang kagustuhan ko sa chucie. Adik ka ba, Eiya?
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
