Anonymous
HEIRA'S POV
"Gago! Pa'nong lalabas ang aircon mo eh nakadikit sa kotse 'yan." Sagot ko.
Alam ko naman ang sinasabi niya, yung lamig ang tinutukoy niya. Lalabas yung lamig at mapapalitan 'yon ng init. Laging gano'n naman ang pananaw ng tao. Kung makapagsabi ng lalabas ang aircon akala mo naman may paa.
Napasabunot na lang siya. "Isara mo 'yan! Yung lamig kasi yung lalabas! Epal!"
Tumawa muna ako bago sinara ulit ang bintana. Napakandang pagmasdan ng araw ngayon, maaliwas at makulay ang langit ngayon. Asul na asul ang kalangitan na may makakapal na ulap. Sumulyap ako kay Vance, kumikibot-kibot ang labi niya, may gustong sabihin yata.
"Deretso bahay na ba kayo?" Tanong niya.
Pinagmasdan ko ang mukha niya, may mga parte ng mukha niya na kahawig sa 'kin, yung mata namin ay parehas na kulay tsokolate, makapal din ang kilay niya at maayos ang pagkakaarko no'n gaya ng sa 'kin.
Kamag anak ko ba 'to?
"Hindi ah, ililibre mo pa 'ko, tsaka magtitinda pa kami!" Sagot ko.
"May sinabi ba 'kong ililibre kita?"
"Oo, kanina."
"Wala ah."
"Ahitin ko ang kilay mo, gusto mo?" Banta ko.
Nadidismayang kumamot siya sa ulo niya, saglit niya 'kong sinulyapan bago ibalik sa daan ang paningin niya.
Ang laki ng paghanga ko sa kaniya dahil sa napakaingat niya sa pagmamaneho, ang swabe at napakaayos. Hindi siya tulad ng iba na halos dumikit ka na sa backrest ng upuan dahil sa tulin sa pagtakbo.
Kung tutuusin ay mas maingat pa nga siyang magmaneho sa 'kin. Mas magaan ang galaw niya, bawat pagpihit ng manibela at ng kambyo, maging pagkalikot niya sa mga bagay-bagay ay napakagaan.
Tinignan ko si Eiya sa rear mirror, namumula siya habang may pinipindot-pindot sa cellphone niya. Sa totoo lang ay ngayon ko lang siya nakitang gan'yan, kapag magkasama kami ay parang wala kaming pake sa mga cellphone namin.
Napansin niya yata ang pagkakatitig ko sa kaniya tinago niya ang cellphone niya at nagsalita na parang wala lang.
"Si Isha ililibre mo tapos ako hindi? Madaya ka!" Aniya, tinapik pa ang headrest ng driver's seat.
"Ano ka? Lahat kayo kargo ko dahil gutom kayo? Mahina ang kalaban, wala pang trabaho." Sagot ni Vance.
"Bakit si Isha ililibre mo? May crush ka ba sa kaniya?"
"Yuck, asa, hindi ko siya type 'no."
King inang 'to.
Hindi rin kita type.
Gusto kong sabihin 'yon pero mas pinili ko na lang na pakinggan ang usapan nila. Type ko iyong lalaking maputi na matangkad tapos mapupula yung labi. Parang si Lu— secret.
"Nabudol lang ako ni Yakie kanina kaya napa-oo na lang ako." Inirapan siya ni Eiya.
Naisip ko lang, kaibigan ko ba ang mga 'to? Sa totoo lang kasi ay normal lang bilang magkakaklase ang mga ginagawa namin. Hindi ba sabi nila kapag kaibigan mo ay maasahan at mapagkakatiwalaan mo?
Hindi ko yata kayang makipagkaibigan sa kanila, mukha kasi silang mandurugas. Charot.
Buong buhay ko ay wala akong kaibigang lalaki, si Eiya lang ang kaibigan ko kaya nga hindi kami napaghihiwalay. Hindi ko rin kasi alam kung bakit kailangan pa ng lalakeng kaibigan o 'di kaya ay maraming kaibigan, kahit isa lang basta nand'yan parati ay ayos na.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
