CHAPTER 58

21 2 0
                                        

Aircon

HEIRA'S POV

"Tara na." Pang aaya ko nung maibigay na sa 'kin ni doktora ang reseta raw.

"Kaya mong maglakad?"

"Oo." Sagot ko sa tanong ni Eiya.

Hindi naman ako baldado.

Nakita kong nakaupo sa mga benches sa labas ng hospital yung iba, naghahampasan pa sila. Si Xavier ang may pinakamalakas na tawa.

Pinagtitinginan na sila ng ibang mga nurses dito sa hospital dahil sa ingay nila. Mukha kasi silang takas sa mental sa ginagawa nila. Napansin ko yung dalawa na may nananonood lang sa tawanan nung tatlo.

Syempre sino pa yung dalawa eh 'di yung AA, Adriel at Asher.

Lumapit kami sa kanila. Bago pa 'ko magsalita ay naunahan na 'ko ni Eiya.

"Ang saya niyo 'no? Nabulabog niyo na ang mga kaluluwa sa ingay niyo." Sabi niya tsaka umupo sa tabi ni Trina.

Wala ng upuan kaya no choice ako kundi ang tumayo na lang sa harap nila at magtiis.

"Zycheia... seriously? Nakakakita ka siguro 'no?" Tanong ni Xavier.

"May mata ako." Sarcastic na sagot ni Eiya.

Lumingon sa 'kin si Vance at sinenyasan ako at tinuro ang lamesa.

"Aano ako d'yan?" Tanong ko.

Ngumisi siya at tumingin muna sa iba.

"D'yan ka na lang umupo, kawawa ka naman baka nangangawit ka na." Sagot niya.

Ay wow, gentleman na medyo gago.

"Anong akala mo sa 'kin plato na ihahain sa lamesa. Gago you!" Sigaw ko.

Tumawa naman sila, habang yung dalawa naman ay nakapoker face lang na tumingin sa 'kin, hindi nagsasalita. Sandali munang natahimik nung wala na kaming masabi, si Trina ang bumasag no'n.

"Aalis na ba tayo?" Tanong niya.

Lumingon sa kaniya si Vance, "bakit, gusto mong maiwan dito?" Tanong niya.

Pinagtaasan siya ng isang kilay ni Trina. "Sapak you want?" Banta nito.

"Syempre ayoko."

"Good." Tsaka sila nag appear.

Mga siraulo.

Pero... yung fishballan napabayaan!

"Uy." Tapik ko sa braso ni Eiya.

"Bakit?" Tanong niya.

"Sinong nagtitinda sa fishballan?"

"Wala."

"Patay! Bakit?"

"Anong bakit? Eh wala tayong matitinda, 'di ba nga bumili kayo tapos sa hospital deretso niyo?" Pamamarangka niya.

"Matatalo niyan tayo sa deal." Sabi ko.

Naiisip ko pa lang ang deal nila, alam kong kalokohan na at hindi ko matatanggap 'yon, baka kung ano pang ipagawa sa 'min ng mga 'yon.

"Hindi 'yan, ako ang bahala." Sabi niya tsaka ngumisi ng malaki.

Nabuhayan naman ako. Siguraduhin mo lang, Eiya, kung hindi ay ibabalik talaga kita kay Tita Zelestair.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now