(A/N: Ilang chapters na lang at matatapos na ang part 1. Wait for part 2, lovelots!)
*****
Cellphone
HEIRA'S POV
"Pake mo?! Style ko 'to, gumaya ka na lang kung gusto mo!"
Yung totoo, nagpapalusot lang talaga ako dahil sa ginawa ko. Hindi ko binago ang reaksyon ko pero sa loob-loob ko, nahihiya ako. Nakangising tinitititigan niya ang kamay ko.
Kaagad ko namang binaliktad ang kutsara. Bakit ba hindi ko napansin na ang hawak ko pala ay 'yong parte ng kutrasa na pinaglalagyan ng pagkain tapos yung sinusubo ko ay yung hawakan ng kutsara.
Kaya pala ang konti ng nakakain ko dahil do'n. Hindi talaga pwede sa 'kin ang pag-iisip masyado, bigla na lang lumulutang ang utak ko.
"Tsk. I don't want to imitate your style. They might say I'm crazy."
Sinamaan ko siya ng tingin, tingin na para bang papatay na gamit ang mga mata. King inang 'to.
"Anong gusto mong palabasin? Baliw ako gano'n?!" Itinutok ko pa sa kaniya ang kutsara.
"Ikaw ang nagsabi niyan. Not me."
"Pero yun ang iniisip mo!"
"So, you're a mind reader now, huh?" Sarcastic na sabi niya. "Akala ko, isa ka lang na babaeng gumagamit ng kutsarang nakabaligtad."
"Isupalpal ko kaya sa'yo 'tong hawak ko?!" Pagbabanta ko sa kaniya at mas inilapit sa mukha niya ang kutsara.
Isang dangkal na lang siguro ang layo at maaabot na netong hawak ko ang butas ng ilong niyang matangos pa sa matangos.
"May tanong lang ako." Sabi ko sa kaniya maya-maya.
"What?" Pinagtaasan niya pa ako ng kilay.
"Pumapasa ba kayo sa mga exams?" Matapang na tanong ko, wala ng atrasan 'to, lumabas na sa bibig ko eh.
"I don't know. Minsan oo, minsan hindi."
"Eh, ikaw? Pumapasa ka ba lagi? Kasi yung mga quizzes mo parang wala lang sayo eh."
"Yes. Exams lang ang siniseryoso ko." Sagot niya.
'Ah talaga? Hindi ako naniniwala sa sagot mo, lagi ka kayang seryoso, sa lahat ng bagay seryoso ka, pati nga mata mo eh.'
Sasabihin ko sana sa kaniya 'yon pero baka bigla niya na lang akong batukan dito. Baka mabadtrip pa.
"Dapat talaga pumasa kayo... tayo ngayon! Baka kasi pabalikin na kami ni dean sa mga section namin kapag hindi namin kayo natulungang magbago." Pabulong na sabi ko.
Bulong lang 'yon dahil hindi pa ako sigurado sa mga sinasabi ko, malay ko ba kung do'n kami sa Twenty-third Section mananatili hanggang sa grade 12 kami.
Mas sumeryoso siya ng mukha. Sabi na eh, exams lang daw ang sineseryoso. Ulowl, sinungaling!
"We will not let that happen." Malamig na sabi niya, sumabay pa 'yon sa lamig ng ihip ng hangin.
May multo ba rito sa canteen? Bakit biglang lumamig ang hangin? May araw naman ah, dapat mainit o kaya presko lang, hindi malamig.
Ay, ‘wag lang sana nila akong multuhin, baka masapak ko sila.
"Ayun naman pala eh! Naniniwala naman kaming kaya niyo! Kayo lang 'yung hindi nakikinig sa mga lessons!" Sumbat ko habang nakanguso.
Sinong hindi mapapanguso eh ubos na ang pagkain ko sa plato ko. Parang hindi nga ako kumain eh, para hindi nalagyan ang tyan ko.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
