Confessions
HEIRA'S POV
Eikkkk!
Erase! Erase! Erase!
Bakit ko ba naisip 'yon? Ayaw ko ng isipin pa lalo baka maituloy ko eh, nakakahiya pa naman kung gagawin ko 'yon.
"Crush ko lang naman siya..." Natakpan ko na lang ang bunganga ko ng biglang lumabas sa bibig ko ang mga salitang 'yon.
Nakatingin tuloy lahat sa 'kin ngayon. Pinanlakihan nila ako ng mata at halatang gulat dahil sa sinabi ko. Ang lakas ng pandinig nila, bulong lang naman ang ginawa ko.
"Sinong crush mo?" Tanong ni Kenji sa akin. "Umamin ka, ako 'yon 'no?" Dagdag niya pa tsaka nagpogi sign at nagkagat labi pa.
"Narinig namin 'yon, anong pangalan ng crush mo, Heira? Maurence ba?" Tanong ni Maurence at nagpacute pa sa akin.
Ngumiwi naman ako dahil sa mga pinagsasabi nila. "Ano... wala 'yon, 'wag niyo na lang isi—!"
"Ako 'yun. Umamin ka na, Yakie!" Ani naman ni Vance tsaka umupo ng maayos at lumapit sa akin para hawakan ang kamay ko pero tinampal ni Trina ang noo niya.
"Asa ka namang magugustuhan ka niya, eh ang pangit pangit mo!" Sigaw niya.
"Mas pangit ka! Umeepal ka nananaman sa linya ko eh."
"Ang feeling mo 'no?"
"Hindi. Kasi crush naman talaga niya ako." Bumaling si Vance sa akin. "Di ba, Yakie?"
Tinignan ko siya na parang nandidiri, ang lakas ng apog netong hudlong na 'to. Nakalog na yata ang utak dahil sa palad ni Trina.
"Hindi ka gusto niyan, kasi ako 'yon, umamin ka na, hindi naman magagalit si Shikainah, 'no, mahal?" Singit ni Xavier.
"Oo naman, pwede ko na bang sagutin si Jonas?" Ganti ni Shikainah.
"What? No way! 'Wag ka ng lalapit sa langaw na 'yon ah." Nakasimangot na sabi ni Xavier, pinitik naman ni Shikainah ang ilong niya.
"Anong langaw ka diyan?! Kaibigan ko kaya siya."
"Baka gusto mong maging magkaibigan na lang din tayo?"
"Pwede naman, kung ano ang gusto mo."
"Joke lang. Hindi ka naman mabiro, kakabalikan lang natin tapos gusto mo agad na maging magkaibigan tayo." Ngumuso si Xavier habang sinasabi 'yon.
"Wala akong sinabing ganiyan." Natatawang sambit naman ni Shikainah.
Ang sweet nila, para silang lalanggamin. Sana pulang langgam ang mangagat sa kanila.
"I'm her crush." Biglang anas ni Kayden habang nakangisi pa sa akin.
"Ang kapal mo! Candy crush 'yong sinasabi ko!" Depensa ko.
Ang lawak ng imagination ng mga 'to.
"Heira... Yakie pala, ikaw na ang susunod." Sabi ni Mavi. "Ang dami kasing commercial!" Dagdag niya pa habang nakatingin kina Xavier.
Ako na pala? Ang tanga naman nung papel ko, bakit ba siya nagpabunot? Wala tuloy akong alam na isagot. Akala ko nga hindi ako kasali eh.
Malay ko ba kung ano ang dapat kong sabihin. Wala naman akong kaalam-alam sa love, kung pagmamahal lang sa pamilya.. hindi ko naman alam kung paano ko sasabihin 'yon.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
