CHAPTER 15

35 5 0
                                        

Lucas

HEIRA'S POV

Kanina pa ako dito. Naiiyak ako...

Naiiyak ako sa inis dahil sa ginawa nila, naiiyak ako dahil sa takot na baka bumigay'tong ring na kinauupuan ko, naiiyak ako sa kaba dahil nag umpisa ng umalis ang mga malas dala ang painter's ladder.

Pa'no ako makakababa neto?

Ayaw kong tumingin sa baba dahil masyadong mataas ang ring, nanginginig na ang mga kamay at ang mga paa ko, kinakabahan ako na baka masaktan nananaman ako dahil sa kagagawan ng iba...

“Isha!” Sigaw ni Eiya, mahagya akong tumingin sa baba, medyo nakakalula.

“Ate anong ginagawa mo d'yan?” Tanong ni Alzhane.

Tumatambay!

“Bakit ka nandiyan?” Tanong naman ni Hanna.

Trip ko lang!

“Baka bumigay 'yan, Yakie!” Ani naman ni Trina.

Kapag ako nakababa dito, Trina, kakaltukan kita!” Inis na sabi ko kay Trina, rinig ko pa ang bungisngis niya.

“Pa'no ka napunta d'yan?” Tanong ni Eiya, mukhang nag aalala na.

Tumalon ako!

“Eiya, ibaba niyo 'ko dito!” Umiiyak na sigaw ko.

Natatakot ako na baka maulit yung dati, yung mga alalang bumabalik na lang bigla sa utak ko, nakakatakot, nakakaiyak, nakakagalit!

Mas bumilis ang tibok ng puso ko nung marinig ko ang langitngit ng
bakal na kinauupuan ko.

Kapag ako nakababa dito, Kayden!

Isang sapak lang sapat na!

“Nasa’n ba si Kenji?” Tanong ni Alzhane.

“Naglaro.” Sagot ko.

“Naglaro?”

“Ibaba niyo na ko please!” Kahit na tumahan na ako, nanginginig pa rin ang mga kamay ko.

Ikaw ba naman ang isabit sa ring tapos iwanan ka nalang? Sinong 'di
manginginig?

“Teka... Hagdan.” Sigaw ni Trina, nakaturo pa sa sentido niya.

“Oo, oo hagdan!” Sigaw ni Eiya.

“Alzhane, hanap ka ng hagdan.” Sabi ni Trina kay Alzhane.

“Oh, eh bakit ako?”

“Dalian mo.”

“Let me help you!” Naghahabol na hiningang sigaw ni Lucas...

May dala siyang painter's ladder. Kahit medyo malayo ako sa may pinto, tanaw ko pa rin siya.

“Lucas...” Naibulong ko sa hangin, sa loob ko ay nagpapasalamat na ako.

“Lucas, dali!” Sinalubong pa siya ni Eiya.

Bilis, baka bumigay na!” Sigaw naman ni Trina.

Ang sarap netong kalbuhin, hindi naman ako mabigat, medyo lang!

Lumapit sila sa may ring, inayos nila ang hagdan, nakasuporta sa baba sina Alzhane, Zycheia at Hanna. Nung maayos na, sumampa na si Lucas sa hagdan, inilahad niya ang isang kamay niya sa akin, inabot ko rin ang
nanginginig na kamay ko sa kaniya.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now