CHAPTER 98

24 2 0
                                        

I like him?

SHIKAINAH'S POV

Ibang kanta naman ang kinakanta ngayon ni Xavier... hindi ko alam pero parang lumalambot na ang puso ko... Hindi dapat 'to... ayoko na ulit masaktan pero traydor ang puso ko, ayaw ko nito.

Nakayuko lang ako habang tinitignan ang chocolate bouquet, iba kasi ang trip niya, imbis na bulaklak ay chocolate ang nilagay niya sa dalawang kartolina, halatang pinagpaguran pero halata ring lalaki ang gumawa dahil hindi pantay ang pagkakagupit ng papel.

Pero parang hinahaplos ang puso ko kapag pumapasok sa isip ko na nagpakahirap siya para lang may maibigay sa 'kin. Walang tigil ang pag-agos ng luha ko, hindi dahil sa lungkot... dahil sa saya.

♫♪ I met you in the dark, you lit me up... You made me feel as though I was enough... We danced the night away, we drank too much... I held your hair back when... You were throwing up. ♫♪

Xavier Austine Ferrer sent you a friend request

Hawak ko ngayon ang cellphone ko dahil may pag-uusapan daw ang mga kasama sa arts club, sa gc na lang raw pagtatalakayan dahil marami raw gagawin ang leader ng club namin, busy din ang coach namin kaya naman sa messenger na lang nila isesend ang announcement.

Kumunot ang noo ko dahil iyon ang pangalang bumungad sa screen ng cellphone ko. Hindi ko inaasahan na iaadd niya ako sa facebook.

At saka paano niya nalaman ang pangalan ko? Hindi ko naman sinabi sa kaniya 'yon ah.

Kinalabit ko si Madison, nasa ilalim kami ngayon ng puno ng soccer field. Nagpapahangin kami dahil free time namin, hinihintay na lang namin ang susunod na teacher kaya nandito kami para hindi na rin kami mainip.

Tatlong araw na ang nakakalipas matapos yung nakakainis na pangyayaring 'yun. Hindi ko na siya pinansin no'n dahil baka may ipaabot nananaman siyang bagay kay Audrey, nakakaistorbo siya, bakit hindi siya ang magbigay sa babae, hindi ba?

Lagi siyang nasa tapat ng room namin, hindi ko alam kung ano o sino ang kailangan niya, lagi pa naman siyang nakangiti parang ngiting baliw. Litaw na litaw ang dimples. Baka si Audrey ang pakay niya, namumula naman ang babae sa kaniya.

"Bakit?" Tanong sa 'kin ni Madison.

"Tignan mo." Sabi ko sa kaniya at pinakita sa kaniya ang cellphone, ayaw kong ibigay sa kaniya kaya pinakahigpitan ko ang hawak ko, baka hablutin niya at i-accept ang request ng lalaki, mahirap na.

"Aaaaah! Owweeemji!"

♫♪Then you smiled over your shoulder... For a minute, I was stone-cold sober... I pulled you closer to my chest... And you asked me to stay over... I said, I already told ya
I think that you should get some rest. ♫♪

"Bakit ka ba wagas makatili riyan?" Inis na tanong ko dahil sa pagsigaw na ginawa niya.

"Ya! Iconfirm mo! Sana all na lang 'no! Inggit si Audrey niyan kung ipapakita mo 'yan, hindi sila friends sa facebook eh." Masayang sabi niya habang naglalagay ng liptint sa labi.

Ako ay gumagawa ng assignment namin habang siya ay nanonood sa YouTube ng mga make up tutorial, nagpapractice raw siya para maging isang professional na make up artist, gusto rin daw niyang mas magpaganda kaya panay ang lagay niya ng kolorete sa mukha niya.

Maganda siya at makinis kaya naman kahit hindi siya magmake up ay kitang kita ang nagnininingning na ganda niya, aywan ko ba sa kaniya, hindi siya makuntento sa pagmumukha niya.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon