Pagpapanggap
HEIRA'S POV
"A-aray..."
Kinabukasan ay nagising na lang ako na nasa kwarto na 'ko. Kwarto ko na 'to. Masakit ang buong katawan ko, pati yata kalamnan ko ay nanginginig.
"Heira! 'Nak! Huwag ka munang tatayo, Diyos ko, mahabagin!" Nag-aalalang sabi ni mommy, kakapasok niya lang sa kwarto ko at may dala pa siyang tray ng pagkain.
"M-ma..." Nahihirapang tawag ko sa kaniya, ang sakit ng panga ko.
"D'yan ka muna, humiga ka muna! Tignan mo nga 'yang katawan mo, para kang lamog na gulay!"
Huminga ako ng malalim, masakit ang bawat parte ng katawan ko lalo na ang tyan ko dahil 'yun ang napuruhan.
"Sino bang gumawa sayo niyan?"
Umiling lang ako, hindi ko talaga sila kilala. Sila lang naman 'tong biglang na lang sumunod sa 'kin sa hindi ko malamang dahilan, tinanong pa kung may relasyon kami ni Uno— Anak ng puta! Si Uno! si Kayden! Ace!
Hindi ako sigurado dahil 'Alas' ang alam kong palayaw niya at hindi Uno. Siya lang naman ang kilala 'kong laging seryoso at minsan ay inaasar ko.
Ang pinagtataka ko lang ay kung paano niya nalaman ang lugar na 'yon. Pa'no niya 'ko nakita at... at pa'no niya ako natulungan sa mga lalaking 'yon.
"M-mommy." Pagtawag ko. "S-sino pong n-nag-uwi sa 'kin d-dito?"
Parang mali ang tinanong ko. Dapat pala sinabi ko na 'Pa'no ako nakauwi?' Laking pasasalamat ko lang at nakauwi pa 'ko ng buhay.
"'Yong kaklase mo. Asher daw ang pangalan."
"A-asher?"
Hindi naman si Asher ang dumating no'n. Hindi kaniya ang boses na 'yon, hindi kaniya ang pagsigaw na 'yon. Hindi si Asher 'yon.
"Oo. Nakita ka raw niyang binubugbog kaya naman tinulungan ka niya. Sino ba yung mga bumugbog sayo ha?!"
"M-ma... pwede p-po bang iwanan n-niyo po muna ako s-saglit?"
Gusto ko lang makapag-isip at alalahanin lahat ng nangyari. Hindi si Asher ang tumulong sa 'kin. Si Kayden 'yon, alam ko! Kahit na halos pumikit na 'ko nung mga oras na 'yon, naaninag ko pa rin ang mukha niya.
Tumango naman si mommy at sinunod ang sinabi ko. Napapikit ako ng mariin dahil sa pagpintig ng ulo ko. Masakit... masakit na masakit.
"Don't you fucking dare to touch my girl, AGAIN."
Muli kong inaalala 'yon. Bakit niya naman niya sasabihin sa 'kin na girl niya 'ko? Hindi niya ako pagmamay-ari pero 'my girl' niya raw ako. Imposible ngang si Kayden 'yon.
Dahil hindi niya ako gusto pero ako... gusto ko siya. Alam ko sa sarili ko na gusto ko na talaga siya kahit pa para siyang bato.
Napailing na lang ako dahil parang may kumirot sa puso ko. Si Natalie ang gusto niya, walang magbabago ro'n. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
*****
Lumipas ang isang linggo. Hindi ko na ulit inalala ang pangyayaring 'yon. Sumasakit lang ang ulo ko sa tuwing aalalahanin ko ang mga suntok, sipa at sampal ng mga hinayupak na 'yon, kapag talaga ako nakaganti!
Gano'n pa rin naman ang takbo ng mga araw. Mag-aaral, kumakain, magtatawanan at kung ano-ano pa. Seryoso pa rin naman si Kayden, walang pinagbago ang lahat sa kaniya.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
