CHAPTER 41

28 3 0
                                        

Baby

HEIRA'S POV

Masaya akong gumising kinabukasan, hindi naman sa maaga sakto lang 'yon. Hindi ko alam pero masaya ako.

Kagabi kasi habang kumakain kami ni mommy ay naikwento ko sa kaniya ang pagpunta namin ni Asher kina Alexis, sinabi ko rin sa kaniya yung napag usapan namin. Hindi ko na pinaalam kay mommy ang ginawa kong pagtulong kay Alexis. Alam niyo naman siguro kung ano 'yon.

Nung nagkwento si Alexis tungkol sa family niya, alam niyo yung feeling na parang naawa ako at the same time humahanga ako sa kasipagan niya.

Parang nakahinga ako ng maluwang nung marinig ko yung dahilan niya kung bakit siya hindi pumapasok, kung bakit nakiusap siya at kung bakit gano'n na lang ang lungkot ng mata niya.

Hanga ako sa sipag niya at pagiging responsable niya, biruin mo wala na raw yung tatay niya, bale siya ang tumatayong padre de pamilya sa kanila dahil siya ang panganay, nagawa niyang pumasok sa isang trabahong napakahirap at nakakapagod para lang sa pamilya niya.

Siguro nabilib lang talaga ako sa pagiging mabuting tao niya, masayahin at mabait na kuya kay Maren, masipag na anak, mabait na apo at kaibigan kaya gano'n na lang ang kagusto kong tulungan siya.

Tama talaga ako sa pakiramdam ko eh, sabi ko na eh! Maganda talaga ang dahilan niya. Tama lang na tinulungan ko siya kahit bawal.

Shh na lang kayo do'n.

Naligo na 'ko tsaka bumaba para kumain tapos ay nag paalam na 'ko kay mommy.

"Mommy, aalis na po ako!" Sabi ko tsaka humalik sa pisngi niya.

"Mag iingat ka." Sagot niya.

"Nga pala mommy..." Pa'no ba 'ko magpapaalam sa kaniya?

"Ano 'yon?" Nakangiting tanong niya, mukhang good mood siya ah, parang maganda yata ang gising.

"Hindi po ako agad makakuwi mamaya ah..."

Umawang ang bibig niya. "Bakit?" Nagtataka, naghihila ang pananalita niya.

"Tutulong po kami sa karinderya nina Alexis..."

"Gano'n ba?"

"Don't worry po, isasama naman po na'min lahat ng classmates namin, kasama si Eiya." Pagpapagaan ko sa loob niya, kung hindi ko pa sinabing kasama si Eiya ay sigurado akong 'oo' ang sagot ng bibig niya pero 'hindi' naman ang utak niya.

"Oh, siya mabuti naman."

"Opo, hehehe!"

"Magtext ka kung anong oras kayo uuwi para mahintay kita at hindi na 'ko mag aalala." Pag papaalala niya.

"Opo, una na po ako! Bye!" Sabi ko tsaka nakatalikod na kumaway sa kaniya.

Sana lang talaga o sabihin na nating, alam kong papasok na siya ngayon, si Alexis. Panigurado akong kasama niya si Maren dahil walang magbabantay sa kapatid niya.

Nagdala ako ng pagkain, maraming pagkain para kay Maren.

(A/N: We? Talaga ba?)

Para kay Maren at para sa 'kin, hindi naman pwedeng pabayaan ko ang sarili ko 'no, sinabi ko kasi na ako ang magbantay kay Maren kapag nasa school siya.

Excited ako dahil ngayon pa lang ako magbabantay ng bata, wala naman kasi akong kapatid na baby, baby damulag meron.

Ang cute kaya ni Maren, ang tama ng pisngi niya, ang taba ng katawan niya. (Pwera asog.)

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon