—Acquittance party—
Beauty
HEIRA'S POV
Timeeee check! Alas sais ng hapon.
Alas sais na pero nakahilata pa rin ako sa kama ko. Ilang beses kumatok si mommy sa pintuan pero hindi ko siya pinagbubuksan. Hindi naman yun nakalock kaya kapag pumapasok siya nagtutulog-tulugan ako.
Sinong excited? Ako! Oo, ako! Excited ako mga 50% lang. Kung sanang pantalon na lang ang isusuot o kaya uniform baka maging 100% ang excitement ko.
Bakit kasi may pa-dress pa? Debut ba ang pupuntahan namin?
Hindi ako maarte!
Hindi lang talaga ako sanay. Ngayon pa lang ako aattend sa mga gan'tong school party 'no. Wala namang gan'to sa Sta. Luiciana. Nagtitipid ang mga estudyante dun.
"Huli ka!" Hindi na 'ko nagulat sa biglang pagpasok ni mommy pero pinikit ko agad ang mga mata ko.
Sleeping beauty.
(A/N: May beauty ka? Sana all.)
He!
"Huwag ka ng magtulog-tulugan d'yan. Bumangon ka na at alas sais na." Pangungulit ni mommy, inalog-alog pa ang paa ko.
"Mamaya po, five minutes." Sumenyas pa 'kong lima gamit ang kamay ko.
"Kanina, ten minutes tapos ngayon five naman. Tumayo ka d'yan. Alam ko na yang modus mo." Tsaka pinalo ang noo ko. Napahawak naman ako dun. Sakit no'n, ah.
Bumalikwas ako ng higa tsaka umupo.
"Ma, pupunta na 'ko sa party." Desididong sabi ko.
"Oh, buti naman! Maligo ka na tapos suotin mo yung dr—!"
"Magpapantalon po ako."
"Ano ka? Gusto mo bang magmukhang janitress dun?" Nakangiwing tanong niya. Tumayo siya, nakapamewang siyang humarap sa 'kin.
Mukhang magiging janitress naman talaga kami niyan, mommy. Narinig ko na ang mga kwento ng mga kaklase ko ih.
"Mommy, hindi naman nga kasi sanay na magsuot ng gan'yan." Turo ko sa dress na nakahang sa may kabinet. Inayos yun ni mommy kagabi, para raw hindi lukot kapag sinuot.
"Ngayon lang naman, anak!" Pagpipilit niya.
Alam kong wala akong panalo kay mommy kapag nagsalita na siya. Kahit ano gagawin niya para lang masunod ang gusto niya. Hindi na 'ko magtataka kung under si daddy sa kaniya.
Tumayo na lang ako tsaka dumeretso sa banyo. Tatlong beses pa 'kong nanghilod para lang magtagal ako sa banyo. Dinamihan ko rin ang conditioner para matagal banlawan. At dalawang beses akong nagsepilyo para hindi nakakahiya ang hininga ko.
"Aba naman talaga. Pati pagligo ay umaabot ka ng isang oras." Agad na sabi ni mommy nung makalabas ako ng banyo.
Nakatapis pa 'ko ng twalya. Pero nakasuot na 'ko ng underwear. Inalalayan niya 'ko papunta sa kwarto niya. Do'n daw niya 'ko inayusan.
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
