Crying
HEIRA'S POV
🎶 I don't like Mondays
(Tell me why)
I don't like Mondays
(Tell me why)
I don't like Mondays
I wanna shoot the whole day down
Down, down, shoot it all down... 🎶
Malakasang pagkakanta netong mga hudlong, may dala pa talaga silang speaker tsaka itinodo. Ang aga-aga kumukulog ang room.
Si Jharylle at Kenji ang pasimuno, si Vance at Xavier ang kunsintidor, hinayaan ko lang sila, iisang room lang naman ang narito kaya wala kaming iniintinding iba.
Umalis ako sa pwesto ko dahil pakiramdam ko sasabog ang tenga ko dahil sa ingay, sabay-sabay pa talaga sila tapos nakapalibot sila sa 'kin, nagkanda-basag na ang eardrums ko.
Lunes nananaman kaya may pasok na ulit! Apat na araw ang pahinga namin pero pakiramdam ko wala akong pahinga buong week. Walang bago sa dating gawi, bukod nga lang sa pambubwisit nung dalawa sa 'kin sa loob ng tatlong araw.
Umupo ako may harap ng pintuan, do'n ako sumalampak at nag-isip ng malalim. Ipinatong ko ang mga braso ko sa tuhod ko at tumulala.
Naalala ko kasi yung nangyari nung isang gabi, yung sa 'min ni Kenji... naliligo kasi nun si Eiya at si Aling Soling tapos naiwan kaming dalawa sa sala... Shet naman!
—FLASHBACK—
"Uy! Akin yan! Naubos mo na lahat!" Reklamo ko kay Kenji dahil dinaklot niya ang fried chicken.
Naghahapunan kami ngayon, kaninang alas tres umalis si mommy para nga sa lakad niya. Kasabay namin si Aling Soling kumain.
Marami siyang piniritong manok dahil daw may bwisita kami ngayon. Kaniya-kaniya kami ng daklot ng ulam, nagkamay na rin kami para raw masarap kumain. Nakakagana nga eh.
Halos si Kenji na lahat ang nakaubos dahil sa bilis niyang kumain, kulang na lang pati yung rice cooker kainin niya. Hindi nga niya kami tinirhan nung gravy, ginawa niyang sabaw!
Ngayon pati yung huling manok inaagaw niya sa 'kin! Nakakatatlo pa lang ako tapos siya lima na! Nakikipag-agawan pa siya sa 'kin, ayaw isuko ang fried chicken.
"Hindi ko inubos ah! Nakakain ka nga eh!" Depensa niya.
Binelatan ko siya bago ilahin ng malakas ang manok dahilan para mabitawan niya 'yon, kinagat ko agad para hindi niya na bawiin.
"Nakakalima ka na! Akin na 'to!" Pang-iingit ko sa kaniya.
Pumikit pa 'ko habang kinakagat yung manok para painggitin siya. Nag-yum-yum-yum pa 'ko tsaka sinimot ang daliri. Pagmulat ko, ang sama ng tingin sa 'kin.
"Napakadamot mo!" Akusa niya sa 'kin tsaka ngumuso.
"Hindi ako maramot! Gutom lang ako, ‘wag mo 'kong aawayin kapag gutom ako! Hindi ka mananalo." Sagot ko.
Natatawa naman yung dalawa naming kasama. Hindi na sila sumali sa away namin netong isa! Nakita ko pa nga na may balat ng manok sa plato ni Kenji tapos sasabihan niya 'ko ng maramot?
How dare him!
Oh, english 'yan.
"Ayos lang, sayo na nga lang 'yan!" Pagsuko niya.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
