CHAPTER 91

23 3 0
                                        

Mineral water

HEIRA'S YOU

"Ay, ano ba 'yan, ang panghe mo, Yakie! May c.r naman bakit hindi ka ro'n umihi!" Bungad ni Mavi sa 'kin nung makapasok kami ng room

Nakatakip ang ilong nila dahil nga sa amoy ng damit ko, anong gagawin ko, wala naman akong pampalit, aalangang maghubad ako rito?

Ilang minuto na lang ay nagriring na ang bell para sa unang klase kaya naman dumeretso kaming tatlo sa pinakalikod, walang kibo namin silang nilampasan.

Tatawa-tawang naglalakad si Trina, hindi talaga neto mapigilan ang tuwa kahit na napakaseryoso naming dalawa ni Shikainah.

"Anong nangyari sa inyo?" Malangongong tanong ni Eiya, umupo siya sa tabi ko, nakatakip kasi ang ilong niya gamit ang dalawang daliri niya kaya ganiyan siya magsalita.

"Basta." Walang kwentang sagot ni Trina.

"Gaga!" Singhal ni Alzhane sa kaniya.

"Nadapa kami." Sagot ko na lang.

"Kayong tatlo?" Tanong ni Hanna.

"Oo, sabay-sabay, the more the merrier."

"Tapos una ang likod mo? Hanep." Sarkastikong sabi ni Kenji.

Ngumiwi naman ako, sasabihin ko bang tinapunan ako ng tubig o sabihin na nating ihi nung mga alipores ni Queen Bobowyowg? Hindi na lang, gulo nananaman 'to.

"Oo!" Taas noong sagot ko. "Ako, nadulas ako, sila nadapa." Pagpapalusot ko.

Sarkastiko silang tumawa at umiling, alam kong hindi sila naniniwala sa sagot ko pero hindi na sila nangulit pa dahil dumating na ang teacher.

Para kaming tangang nakaupo at nakahilera sa pinakalikod ng classroom, katabi ko si Eiya tsaka si Shikainah na ngayon ay tulala.

Tulaley ang ate niyo.

"Do you know that the LEGO factory produces around 36,000 pieces of lego every minute." Bungad ni Miss Margaux.

"Hindi man lang marunong bumati ng good morning." Bulong ni Eiya.

"Baka hindi good ang morning niya." Sagot ko.

"Lagi namang bad ang morning niya, pati kilay bad, tignan mo."

Bahagya akong natawa sa kaniya bago pagmasdan ang mukha ni Miss Margaux, salubong ang kilay niyang sumobra sa kapal.

"A year isn’t exactly 365 days -- it’s 365.2564 days! That’s why we have a leap year every four years." Sabi niya pa. "So.. Ms. Sylvia!" Tawag niya sa 'kin, parang ang tagal na nung huli niya 'kong tinawag ah.

Tumayo muna ako. "Po?"

"What is a shape of constant width, the simplest and best known such curve other than a circle?"

"The Reuleaux Triangle." Sagot ko, hindi ko na siya hinintay magsalita, umupo na agad ako, sakit ng likod ko 'no! Nangangalay.

"Here's a trivia, jn the year 1514 the German artist Albrecht Dürer created an engraving called Melencolia with a magic square in the background. The image below shows an enlargement of the magic square. The date appears in the bottom row of the magic square." Aniya, inantok ako bigla kahit gusto ng utak ko ang math.

Humikab ang ng dalawang beses bago nagsulat ng kung ano-ano sa likod ng notebook ko, pinractice ko pa ang pirma ko, wala kasi akong permanenteng pirma, laging iba-iba.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now