Kahit ako
HEIRA'S POV
Umawang ang bibig niya dahil sa paglakas ng boses ko at dahil na rin siguro sa pagmumura ko. Gano'n din ang ekspresyon ng iba, gulat.
Nalaglag pa nga ang panga ni Trina habang si Eiya naman ay nakangisi lang habang nakacross arm. Yung iba ay walang pakealam sa nangyayari gaya na lang ni Kenji na busy'ng busy sa paglantak ng binigay ko sa kaniya.
"Pasensya na ha! Nagulat lang ako dahil alam mo lahat ng tungkol sa 'kin." Napapahiyang sabi ko sa kaniya.
Yumuko na lang ako at pinaglaruan ang ballpen ko. Nagpatuloy na lang ako sa pagusulat dahil alam kong malapit ng matapos ang break time.
Naramdaman at narinig 'ko ang mga pagsipol ng iba. Gumagawa ng ingay dahil sa nakakabinging katahimikan. Bahala na muna kayo riyan, kahit masakit na ang kamay ko sa kakasulat, keri lang.
"Sorry..." Nag-angat ako ng tingin dahil sa sinabing 'yon ni Chadley.
Seryoso ang mga mata niya, nawala na ang mga ngiti sa labi niya. Hindi na tuloy kita ang dimples niya. Tusukin ko kaya ng ballpen para lumabas ulit?
Ang brutal ko naman.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit pa siya nag papasorry sa 'kin ngayon, eh ako ang may kasalanan, pero kung sinisisi niya ang sarili niya, bahala siya.
Kaniya-kaniyang trip 'to 'no.
Hindi ko na lang siya sinagot. Baka masisi ko pa ang sarili ko dahil sa pagmumura ko. Pero kahit na tahimik ay nararamdaman ko ang madilim na 'aura' sa paligid.
Doon ko nakita ang mga masasamang titig ni Kayden kay Chadley. Nakaupo na pala sila sa mga upuan nila. Dahil nga nasa likod si Kayden, hindi siya nakikita ni Chadley.
Mukhang hindi sila magkasundo kagaya nung iba. Hindi siguro sila friends sa past nila kaya ganiyan. Hay buhay nga naman.
'Circa is a Latin word meaning around or about which is usually abbreviated c., ca or ca. (also circ. or cca.) and means "approximately" as the exact date is not known. It is an approximate date or an estimate date normally used by historians when an event’s date or archaeological evidence date is not accurately known.'
'Yan ang huli kong isinulat. Natapos din! Hindi ko na nagawang maghanap sa internet ng ibang sagot. Joke lang 'yon, mapagbiro talaga ako. Wala naman akong load pang browse kaya pwede na 'yan.
Gaya ng lagi kong sinasabi para hindi kami mahuli, pare-pareho lang ang mga tanong na ibinigay kaya naman pare-pareho rin ang magiging sagot.
Nag-unat-unat muna ako. Sa wakas! Natapos din. Marunong pala ang tyan ko na tiisin ang gutom. Inayos ko na lang ang gamit ko bago tumayo.
"Oh." Sabi ko habang nakalahad sa harap ni Adriel ang notebook niya.
Kinuha niya naman 'yon at umiling-iling. "Hindi man lang marunong magpasalamat..." Parinig niya habang nakatingin sa kawalan.
Ngumiwi naman ako. "Salamat."
"You're welcome." Sarcastic na sabi niya.
Inambahan ko siya ng hampas kaya naman umiwas siya tsaka tumawa ng malakas. Gago!
"Anyare?" Tanong sa 'kin ni Kenji pagbalik ko sa upuan ko, nagburp pa ang animal.
"Anyare saan?" Balik kong tanong sa kaniya.
Pagkaupo ko ay narinig ko ang pagkalam ng tyan ko. Nag-iingay na ang mga dragona ko. Sana lang ay may biscuit pa 'ko sa bag. Sana.
*Crossed fingers*
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
