CHAPTER 126

27 2 0
                                        

Swap

HEIRA'S POV

"Good morning class. Okay everyone, file in quietly and take a seat please." Nagsibalikan kami sa mga upuan namin.

At teka lang! Bakit ba 'ko nandito sa upuan ni Chadley? Hindi ba dapat nasa tabi ako ni Kenji ngayon? Ano nananamang kabobohan ang ginawa ko.

Kaya pala mula kanina pakiramdam ko ay parang may mali. Iniisip ko talaga kung ano 'yon, lumilinga-linga pa nga ako sa paligid. Tapos mapagtatanto ko na wala pala ako sa pwesto ko.

Eh?

Nasa'n naman si Chadley? Wait! Ayun! Katabi niya si Vance. Mukhang humila lang siya ng upuan niya dahil hindi nakapantay ang bangko niya sa iba.

"...Exams are a form of learning activity. They can enable students to see the material from a different perspective. They also provide feedback that students can then use to improve their understanding." Sabi ni  Sir Almineo. "I will be giving you four hours to finish this test. Kindly read them carefully. Strictly no cheating!" Paalala niya. Napalunok kami dahil sa biglang pagsigaw niya.

May exams pero dikit-dikit pa rin ang mga upuan namin. Isang sulyap lang ay siguradong kita na ang sagot ng katabi. Wala man lang one seat apart.

Isa pa 'tong katabi ko. Nakakabwisit lang dahil sa pagngisi niya ng malaki. Hindi man yata siya nakikinig sa sinasabi ni sir. Basta na lang siya nakayuko habang pinaglalaruan ang ballpen niya. Baliw lang?

Sa dinami-rami pa ng pwedeng pag-upuan ay dito pa talaga ako napunta. Pwede naman akong dalhin ng paa ko sa harap o kaya naman sa likod. Pwede rin kahit sa labas na lang basta hindi na lang sana sa tabi netong kulapo na 'to.

Hindi ko rin alam kung bakit din naisipan ng lalaking 'to na umupo sa tabi ko, may sarili siyang bangko. Kung saan niya gustong umupo ro'n siya uupo gano'n?

I murmured some of the stuff I've reviewed last night. Naks english. Basta binubulong-bulong ko yung mga minememorize ko kagabi. Tinignan ko lang kung natatandaan ko pa ang mga 'yon, sa dami ba naman ng mga 'yon, ang hirap isaulo.

Kailangan kong seryosohin ang exams na 'to. Alam kong malaki ang percentage nito sa grades namin. Sa kapal pa naman ng hawak ni sir na mga test papers, sigurado akong maramihan ang mga sasagutan namin.

Wala na kami sa Sta. Luiciana,  kung dati ay pwede kong loko-lokohin at hulaan lang ang mga sagot ko, ngayon iba na, masyadong istrikto ang mga tao rito. Dati nga konting silip at kalabit lang sa katabi ay meron na 'kong sagot pero ngayon? Ewan ko na lang.

Napailing na lang ako dahil sa mga naiisip ko. Kahit pa medyo matagal na kami... ako rito ay pakiramdam ko ang tagal-tagal ko ng pumapasok sa B.A.U. Minsan naiisip ko... kung nasa Sta. Luiciana pa kaya kami ni Eiya ganito kaya ang mga nararansan namin?

May mga kaibigan din kaya kaming mga hudlong? May makikilala ba akong isang gagong hudlong na kulapo? May makikilala kaya kaming isang Trina na napakaingay, walang Alzhane, Hanna, at Shikainah.

Hay!

Bakit ko ba binabalikan ang mga alalang 'yon? Ang mahalaga nasa hinaharap na kami... kasama ang mga magugulo at mga baliw na hudlong.

"Get one and pass." Para akong nagising ulit ng marinig si sir na magsalita.

Kasalukuyan niyang nilalawayan ang hinlalaki niya tsaka siya nagbibilang ng mga test papers at ididistribute ito sa 'min. Sir, hindi naman siguro mabaho ang laway niyo po 'diba?

Biglang ngumiti ang katabi ko kaya naman ay parang nawala lahat ng pinag-aralan ko kagabi. Para akong namental block dahil sa ginawa niya. Napaawang na lang ang labi at nag-iwas ng tingin.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now