First day
HEIRA'S POV
Lumipas ang araw ng linggo, ngayon ay lunes na. Panibagong taon na nanaman ng pag-aaral.
Hindi naman sa nakakapanibango pero hindi ko maiwasang kabahan. Sa bagong school kasi ako papasok ngayong taong.
Kasama ko si Zycheia, kung nasa'n kasi ako ay nando'n din siya. Kahit pa magkalayo kami ng tinitirhan, gusto niya na kung saan ako mag aaral ay doon din siya kaya huwag na kayong magtaka kung bakit mula noon ay halos magkaklase kami.
Mula kasi noong lumipat kami ng bahay ay lumipat na rin ako ng mapapasukang eskuwelahan. Noong nasa grade 10 ako ay nasa isang public school lang ako nag aaral.
Pagkatapos ng moving up namin ay sabi ni daddy na i eenrol niya ako ngayon sa isang private university kahit pa grade 11 pa lang ako, regalo raw niya iyon para sakin.
“Goodmorning mga tao.” sabi ko ng tumayo ako mula sa pagkahiga, nag unat muna ako ng katawan para gumising ang diwa ko.
Alas singko y mediya pa lang at ang alam ko ay alas otso ang unang klase ko. Pero ayaw ko'ng mag pa late lalo na first day of class. Masyado pang maaga.
Uminom muna ako ng tubig saka nagpunta ng banyo para maligo. Pagkatapos no'n ay nagbihis na ako.
Maganda ang uniform ko ngayon kumpara sa dati. Puting blouse ito na may kasamang sleeveless blazer na kulay blue, 'me burda itong B.A.U at may nakatahi ring patches ng logo ng Brently Austria University. Ang palda naman ay gano'n din ng design, hindi naman ito masyadong maikli, sakto lang ito.
Ang gaan ngayon ng pakiramdam ko, kung tinatanong niyo ang dahilan ko ay ako mismo ay hindi alam. Basta ang alam ko masaya ako.
Bumaba ako ng kwarto at doon ko nakita si mommy na nakatutok sa laptop niya. Nilapitan ko siya at saka binati.
“Goodmorning mommy, ang aga niyan ah?” tanong ko sakaniya.
“Goodmorning din, may tinatapos lang, hindi ko kasi natapos kagabi.” paliwanag niya.
“Gano'n po ba,kumain na muna tayo, tara?” aya ko kay mommy.
May isa't kalahating oras pa naman ako bago mag umpisa ang klase ko kaya hindi ko kailangang kumilos ng mabilis.
Pumunta kami ni mommy sa dining table, nagluto si Aling Soling ng hotdog, itlog at ham, may sinangag din. Kumuha na si mommy ng kakainin, gano'n na rin ang ginawa ko.
“Excited kana ba sa bago mong eskuwelahan?” tanong ni mommy habang kumakain kami.
“Oo naman po, sino namang hindi?” nakangiting sagot ko naman.
“Mga bago ang makakasalamuha mo, sana naman ay huwag ng matigas ng ulo ha?” pagpapaala niya.
“Mommy naman.” napasimangot naman ako dahil sa sinabi niya.
“Baka naman unang araw pa lang eh, nakabangas kana ng kaklase mo?” pang aasar niya.
“Hindi naman po, matino na kaya ako hehe.” sabi ko at kumuha ng bacon.
“Osiya ikaw ang nagsabi niyan, i enjoy mo lang ang pagpasok.” sabi niya ulit.
Hindi na'ko nagsalita pa at nagpatuloy na lang sa pagkain.
Nang matapos ay nagpahinga ako saglit at nagpaalam na kay mommy na papasok na.
“Aalis na po ako.” paalam ko.
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
