Special Treatment.
ADRIEL'S POV
"ITIGIL NIYO YAN!"
After that shout we heard a loud crash and we just saw a chair being thrown near Kayden's place
I looked where the chair came from and there I saw Heira. Tinignan ko ang mukha niya at mababasa mo do'n ang inis... galit. Kunot ang noo, salubong ang kilay, pula ang mukha, at nakakuyom ang kamao.
Lumapit siya sa gawi nina Kayden.
Actually, as far as I know, women are afraid to get involved in men's fights, but she is different, she does not seem nervous to engage in the fight of others.
Hinablot niya ang sando ni Kayden at tinayo niya siya, nilayo niya si Kayden mula sa pagkakapatong kay Aiden.
"Bonak ka! Ang sabi ko tigil na!" Sigaw ni sa mismong mukha ni Kayden.
Bonak? Ano 'yon? Ang lakas ng boses niya, nakakarindi! Bungangera yata 'to eh.
"Bakit ka ba nangengealam?" Walang reaksyong tanong ni Kayden.
"Yakie, alis na d'yan!"
"Heira, lumayo ka na d'yan!"
"Bitawan mo na 'yan!"
"Gulo na 'to."
"Huwag ka ng makealam d'yan! Ayahaaay!"
"Kanina ka pa pinapatigil eh!" Gigil na sabi ni Heira.
"Sino ka para utusan ako?"
"Hindi utos 'yon! Siraulo ka ba?"
"No."
"Oh, eh bakit hindi mo pa tigilan." Limingon siya kay Aiden. "Tignan mo nga 'yan, halos hindi mo na makita ang mukha niya!" Bulala niya pa.
Oh fuck! Nakita ko si Aiden na halos namamaga na ang mukha, hinihingal, naghahabol ng hininga. Wala ng makita.
Kitang kita ko naman si Kayden na maayos pa, halos daplis lang ang nakuha niya. Nakakuyom ang kamao, mukhang nagpipigil.
"Huwag ka ngang makealam!" Narinig kong sigaw ni Kayden.
"Kanina pa kita sinasabihan na awat na! Bakit mo ba ginanyan yan?" Inis na turo niya kay Aiden.
"Anong gusto mo, ako ang ganyanin niya?"
"Oo— ay hindi. Ang akin lang sana tinigilan mo na, hinang hina na eh!" Mas humigpit ang pagkakahawak niya.
"Bitawan mo ko!"
"Bibitawan kita tapos bubugbugin mo ulit gano'n? Ayos ka din eh." Heira said sarcastically.
"Tsh, stupid!"
"Anong sabi—?"
"SHUT UP!" Sabat ko.
Tumingin naman sakin si Heira na may maasim na mukha. Ngumiwi siya tsaka bumaling ulit kay Kayden. Nakakarindi na ang pagkuda niya.
"Anong sabi mo?!" Pag uulit niya.
"Tang—" Hindi na natapos ni Kayden ang sasabihin niya ng kotongan siya ni Heira.
Natawa naman kami dahil do'n.
"One point, Heira."
"Sakit no'n, dre."
"Ang tapang mo, Yakie!"
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
