CHAPTER 80

21 2 0
                                        

—Acquittance party—

Isang sampal

HEIRA'S POV

"Mukhang sa likod nanggaling 'yon..." Sabi ni Vance.

"Ano 'yon?" Tanong ni Eiya.

"Tara tignan natin." Sabi ko, akmang hahakbang ako ng pigilan ako ni Timber at umiling.

"‘Wag. Delikado." Seryosong sabi niya.

"Bakit naman delikado? Titignan lang naman natin!" Pagpipilit ko.

Napaatras ako nang makarinig kami ulit ng kalabog, lagabag at pagsigaw. Parang may tao yata roon sa likod. Ang dilim do'n, anong gagawin nila ro'n?

Hindi kaya... hala, shet!

"Baka mga janitor lang 'yun." Sabi ni Eiya.

Hindi eh. Bakit sila mamalibag kung janitor sila? Ano 'yon? Labag sa loob nila ang trabaho nila kaya nagdadabog? Gano'n?

May narinig kaming mga pagtawa mula sa iba't ibang boses. Nanindigan ang mga balahibo ko, deja vu. Parang narinig ko na dati ang mga 'yon.

"Puntahan na kasi natin! Hindi ako mapakali eh." Pagpupumilit ko.

Para may sariling utak ang paa ko at gustong puntahan ang lugar kung saan nagmula ang tunog na 'yon. Nanggagatal ang mga palad ko na silipin ang nangyayari.

"‘Wag ng makulit. D'yan ka na lang." Pagpigil ni Vance.

"Sumilip lang tayo!"

"No!"

"Edi wag!" Sabi ko tsaka tumakbo.

Kung ayaw nila, edi ‘wag! Hindi ko naman sila pinipilit na samahan ako. Ay hindi, pinilit ko pala sila pero ayaw nila! May paa naman ako, kaya kong puntahan mag-isa ang lugar na 'yon.

Naramdaman ko naman ang pagsunod nila. Susunod din pala ang dami pang dada. Kesyo delikado?! Talaga ba?

"Isha! Hintay!"

"Gagang 'to, nagmamadali 'te?"

"Hey! Wait!"

"Yakie! May multo!"

Ayon huminto na 'ko. Hinintay ko na sila para naman may kasama ako papunta do'n. The more the merrier. Baka makakita na na naman ako ng aswangit dito kaya hintayin ko na lang sila.

"Dito tayo dumaan." Suhestyon ni Vance ng makalapit sila sa gawi ko.

Tumango naman ako, dumaan kami sa hallway ng building 2. Maraming estudyante ang nasa kani-kaniyang mga classroom na, naglalaro pa nga ang iba. Para kaming susugod sa gyera dahil taas noo kung maglakad kami. Nililipad pa ang mga buhok namin. Galing, hangin effect.

Habang papalapit kami sa main building mas lumalakas ang mga kalabog. Mas naririnig namin ang mga tubong humampas.

Teka.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon