Likod
HEIRA'S POV
"Ayos ka lang? Anong masakit sa'yo?" Rinig kong tanong ni Eiya, alam kong aalala siya.
Hindi siya nakatanggap ng sagot mula sa 'kin, nakatingin lang ako sa puti at maliwanag na kisame, hindi kumukurap pero umiiyak, habol hininga rin ang ginagawa, parang may nakabara sa lalamunan ko, ang bilis ng tibok ng puso ko, nandito pa rin yung takot at kaba mula sa panaginip ko.
Yung panaginip ko na parang sa nakaraan nangyari, yung mga salita 'ko napakalalim, sa sobrang lalim pwede ka ng mag scuba dive. Pilit kong inaalala yung napanaginipan ko,
yung lugar, yung mga tao yung paligilid.
Ngayon ko lang napagtanto, bakit ako natatakot sa mga taong 'yon? Kaya ko naman silang labanan pero bakit hindi ko magawa? Takbo lang ako ng takbo na para bang may sariling pag iisip ang katawan ko 'yon ang ginagawa.
Nasabunutan ko na lang ang sarili ko dahil sumakit bigla ang ulo ko, napapikit ako saglit hanggang mawala ang kirot na 'yon, nagmulat lang ako nung maramdaman ko ang kamay ni Eiya.
"Isha... Isha..." Inalog-alog ako ni Eiya, do'n ko pa lang inilapat ang paningin ko sa kanila, ang bigat ng paghinga ko, halos habulin ko na ang hangin para lang makahinga ako.
"Okay ka lang?"
"Anong nangyayari sa'yo?"
"Masama ba ang pakiramdam mo?"
"Pingpapawisan ka."
Sunod-sunod na sabi nila pero ni hindi ko man lang binuka ang bibig ko.
Lumapit ang iba sa 'kin, parang takot silang hawakan ako dahil kahit gusto nilang tinignan ang katawan kong may pasa ay umaatras sila.
Para bang takot silang dumikit ang balat nila sa balat ko dahil kapag nangyari 'yon ay masusugatan ako.
"Are... y-you okay?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Eiya. Tumango lang ako at bahagyang umupo, inalalayan niya naman ako.
Ngayon ko lang napansin na pawis na pawis ako, puno ng luha ang mukha ko, may sipon na tumutulo na rin sa ilong ko at parang may nakabara sa lalamunan ko.
Tumingin sa kanila, nandito si Trina, Eiya, Kenji, Asher at Adriel. Lahat sila nakatayo sa harap ko pwera kay Eiya na nasa tabi ko.
"A-anong ginagawa niyo d-dito?" Nahihirapang tanong ko, tuyot na yata ang lalamunan ko.
Pengeng tubig!
"Dapat ikaw ang tanungin namin niyan." Mataray na sabi ni Trina. "Bakit ka nandito?"
Napalunok ako, ano nga bang ginagawa ko dito? Ang huling pagkakaalala ko ay yung natumba ako at nahimatay. Hindi ko naman alam na dadalhin pala nila ako sa hospital.
"Hindi ko alam." sagot ko na lang at nag iwas ako ng tingin.
Wala akong balak sabihin sa kanila ang nangyari, tutal tapos na rin naman 'yon at wala na silang nagagawa do'n.
"Pa'nong hindi mo alam?" Tanong ni Zycheia, mukhang nagtataka sa sagot ko.
"Tanong ba 'yan?" Sarkastikong tanong ko.
Sumeryoso na siya. "What happened? Lahat kami nagtataka kung anong nangyari sa'yo... sa inyo."
Natutop naman ang bibig ko. Hindi ko siya matignan ng deretso dahil alam kong hinuhulaan niya na ang mata kung magsasabi ba 'ko ng totoo o hindi.
Matagal bago ako sumagot. Nag iisip pa kasi ako ng pwedeng palusot dahil wala sa isip kong magsabi ng totoo sa kanila.
"Napaaway lang..." Sabi ko tsaka ko kinagat ang balat sa hintuturo ko.
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
