Basketball
HEIRA'S POV
Pwede bang umatras na lang? Iba na lang ang sumalang, nakapanliit kasi ang mga kalaban namin.
Isa pa, dito eh! Dito, dito sa mismong court na 'to nila ako pinagtripan, at doooon sa ring na 'yon nila ako sinabit.
Akala niyo nakakalimutan ko na ha? Hindeeee! Nasa isip at puso ko ang ginawa nila!
O.A!
Tsk! Tapos kalaban namin 'tong kulapo na 'to, 'tong kulapo na may pakana sa mga pantitrip sa'kin, 'tong kulapo na laging masama ang tingin sa 'kin at higit sa lahat! Etong kulapo na halos isumpa ako! Kung magalit sa'kin wagas, 'di ko naman inaano.
Sa ugali niya? Mukha ba siyang maawa sa'min at magpatalo na lang? Imposible!
Tapos etong Maurence at Elijah na halang ang kaluluwa? Psh! Hindi sila magpapatalo, magkasumpaan na, hindi nila kami pagbibigyan.
Kahit na talakan mo pa ang mga 'yan, ngingisian ka lang nila at susungitan, sila yon eh.
Nakakinis naman!
"May points ang bawat bolang maish-shoot ninyo, at may puntos din ang mananalo sa inyo, mas mataas 'yon kaya kailangan niyong galingan."
"Sir... mukha bang kaya namin silang talunin?" Reklamo ni Trina, dinuro pa ang mga kalaban namin.
Tinabig naman 'yon ni Maurence. "Kung makareklamo ka naman d'yan!" Bulong niya, inirapan naman siya ni Trina.
"Mukha po ba kaming makakalusot sa mga 'yan?" Tanong ni Eiya.
"Makatalon nga yata para ishoot ang bola, hindi natin kaya, ang haba ng mga braso oh!" Pagsakay ko sa sinasabi ni Eiya.
"Oo nga naman sir, harangan nga lang yata sila, hindi namin kaya, baka nga tumilapon lang kami kapag tinangka namin harangan!" Si Trina na nakapamewang pa.
"Wala pa nga kayong nasisimulan ay nagrereklamo na kayo." Yon lang ang sagot ni Sir. Edward.
"Eh sir—!"
"Ang dami mo namang reklamo!" Sabat ni Maurence sa sinasabi ni Trina.
"Ang laki niyong tao, hindi man lang kayo maawa sa—!"
"Shut up!" Putol bigla ni Elijah sa sinasabi ni Eiya, kaya ayun, nagpalitan sila ng matalim na tinginan.
"Let the game begin!" Sabi ni Kayden tsaka malakas na pinasa sa'kin ang hawak niyang bola. Nakangisi ang gago!
Magrereklamo pa sana ako dahil do'n kayo nagpito bigla si sir. Napapadyak na lang ako sa inis.
"Sa inyo na ang bola, pagbibigyan na namin kayo." Nakangising sabi ni Elijah.
Putcha! For the first time in forver! Nakita kong ngumisi ang seryoso at masungit na si Elijah.
"Wow ah, pagbibigyan pa niyan? FYI bola lang 'yan!" Pakipagtalo ni Eiya.
"Game na, ang tagal niyo!" Si Maurence na ready'ng ready na.
"Mama mo game!" Gitil naman ni Trina.
"Patahimikin mo nga yang mga kasama mo, their voices are very loud." Baling ni Kayden sa'kin, tinignan ko lang siya, hindi ko na sinagot.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
