Hospital
HEIRA'S POV
Alam niyo yung feeling na sobrang takot kana? Yung halos makinig na ang kalamnan mo, yung halos magsipaglabasan na ang mga organs mo sa katawan mo?
Gano'n ang pakiramdam ko kanina, para bang hinihintay ko na lang sila na saktan ako, hinihintay ko na lang ang kaniyang kamao na dumapo sa isang parte na katawan ko.
Nakakatawa lang dahil kaya ko namang manlaban, kaya ko namang labanan 'tong nasa harap ko, kaya ko namang patumbahin 'tong mga nakahawak sa 'kin pero ayaw gumana ng katawan ko.
Napigilan ko ang paghinga ko dahil sa boses na 'yon, dumilat ako at nakahinga ako ng maluwang nung makita ko kung sino ang sumigaw na 'yon.
Kenji...
Pagkasaktong lumingon sa kaniya si Goliath na kulang sa sunblock ay tumalon si Kenji ng malakas at mataas, tatlong beses siyang nagpaikot-ikoy sa ere bago dumapo ang binti niya sa mukha ni Goliath.
Pa'no niya nagawa 'yon?
Buong pwersa yata ni Kenji ang binigay niya sa paa niya kaya naman halos umikot ang ulo ni Goliath na kulang sa sunblock bago tumilapon sa lupa.
TULOG!
Nagulat ako nung may lumabas na dugo sa ilong niya! 'Yon yata ang napuruhan ni Kenji, sa lakas ba naman ng flying kick niya, kahit sino mawawalan ng malay eh.
Tumingin ako sa batang matsing, nakaluhod ang isang tuhod niya sa lupa habang ang isa naman ay nakabukaka, nasa lupa rin ang isang kamay niya yung isa naman ay nakataas sa ere.
Yung posisyon niya pang ninja talaga, hindi na 'ko magtataka kung may lahing ninja ang pamilya niya, nakakatawa pa naman ang itsura niya ngayon, para bang nagkakuha siya ng isang malaking achievement, tuwang-tuwa sa ginawa ang king ina.
Bahagyang tumigil ang lahat dahil sa nangyari, medyo lumuwang ang kapit ng dalawang may hawak sa 'kin, tiningnan ko sila, halos humagalpak na 'ko sa tawa nung makita kong nakaawang ang bibig nila, mukhang natakot sila.
Dahil tulala siya at na kay Kenji ang paningin nila, hinay-hinay kong hinigit ang kamay ko mula sa mga kamay nila pero nakahalata sila kaya agad silang tumingin sa 'kin pagkatapos no'n ay humigpit ulit ang pagkakahawak nila.
Ang ginawa ko na lang ay siniko ko silang pareho sa abot ng lakas ko. Nagtagumpay naman akong tamaan ang sikmura nila. Napaatras sila kaya nabitawan nila ako, hawak na nila ngayon ang tyan nila.
Saktong lumapat ang paningin ko kay Kenji ay siyang paglapat ng kamao ng isang lalaki sa sikmura ko. Napaupo na lang ako sa lupa, sunod-sunod ang pag ubo ko habang hawak ko ang tyan ko, parang bumalik sa 'kin ang ginawa ko sa dalawang lalaki kanina.
Karma nga naman.
"TARA NA! PWEDE NA 'YAN!" Sigaw nung isa, hindi ko na sila nagawang tignan dahil nasa lupa ang paningin ko, naramdaman ko na lang ang mga yabag nila papalayo. Mukhang nakuha na nila ang gusto nilang makuha.
Nung malanghap ko ulit ang hangin ay parang dumagan 'yon sa kabuuan ko, sumakit bigla ulit ang katawan ko, yung sakit ng likod ko na panandaliang nawala kanina parang bumalik ulit, isabay mo pa 'tong sikmura kong namimilipit sa sakit.
Parang natamaan ang bituka ko sa pagkakasikmura na 'yon ah, walang awa ang linshak! Parang nahihilo ako, medyo umiikot na ang paningin ko.
"HEIRA!"
Do'n ko lang narinig ang boses niya, ngayon lang siya dumating kung kailan tapos na ang eksena.
Siguraduhin mong may masarap na miryenda kang dala!
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
