Questions
HEIRA'S POV
"Kio, masaya bang mag-aral d'yan sa ibang bansa?" Tanong ko kay Kio na nasa kabilang linya.
Weekends ngayon, wala naman akong pwedeng gawin kung hindi magbasa, kumain, matulog, maglinis ng kwarto at kausapin si Kio. Laging gano'n ang ganap kapag weekends na.
["Why?"] He asked.
"Wala lang, gusto ko lang malaman..." I said.
Gusto ko lang malaman kung masaya ba do'n, kung maganda ba ang mag aral do'n, kung tahimik at wala bang asungot na mga kaklase do'n. Kasi kung wala, edi wala, ayoko rin naman do'n hehe, dito lang me.
["Medyo masaya naman dito."] Aniya, nakita ko pa siyang bumuntong hininga.
"Bakit medyo lang?" Tanong ko tsaka kumain ng chips.
Lagi naman akong kumakain kapag kausap ko si Kio, wala ng bago do'n, nasa kwarto lang ako ngayon, tapos na lahat ng dapat tapusin gaya ng paggawa ng ilang assignments, paglilinis ng kwarto, tapos na rin akong magbasa, mamaya na lang maligo.
["I don't talk to others much, they don't talk to me either."] Sabi niya habang humihigop ng kape.
"Hapon na hapon nagkakape ka!" Ako pa ang nagreklamo dahil feeling ko ako ang naiinitan sa kaniya.
["Why? I really like coffee, and you know that."]
"Ang init init kasi tapos gan'yan." Sabi ko saka uminom ng chuckie.
["Sanay naman ako, saka isa pa the temperature here is cold remember?."]
Oo nga pala, nasa New York pala siya. Bakit ba hindi ko naisip yon, kung makapag isip akong mainit sa lugar niya akala mo ay nasa Africa. Nasa New York sila, Heira! Engot!
"Oo nga pala, may kaibigan ka ba d'yan?"
["Mero'n pero dalawa lang."] Tanong niya, kumunot naman ang noo ko.
Dalawa lang? Bakit ang konti naman, hindi naman siya pangit, hindi naman siya masungit, hindi naman siya suplado, medyo tahimik nga lang siya, oo medyo lang!
"Bakit ang konti naman? Ayaw mong dagdagan?"
["Eh, ikaw nga si Zycheia lang ang kaibigan mo d'yan tapos ako papadagdagan mo ang mga kaibigan ko, amazing."] Sarcastic na sabi niya.
Natampal ko na lang ang noo ko, napailing ako tsaka ko siya tinarayan.
"May mga kaibigan na kaya ako 'no!"
["Kaibigan o ka - i - bigan?"]
Ka-i- bigan? Sa'n niya naman napulot 'yon?
"Engot, mga babae ang mga 'yon, may isang lalake."
["Bakit isa lang, ayaw mong dagdagan?"] Panggagaya niya sa 'kin.
Siraulo din 'to eh, apat ang mga kaibigan ko, siya dalawa lang tapos dadagdagan ko? Sa'n ba nagmana ng kaengotan 'tong kakambal ko na 'to.
"Pwede na ang mga 'yon, 'wag mo ng padagdagan, dadami lang ang mga sakit sa ulo."
["Masakit ka din naman sa ulo ah."]
"King'na ka!" Inis na sabi ko, nanlaki naman ang mga mata niya, tumaas pa ang kilay, pati butas ng ilong lumaki, mukha siyang uranggutan.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
