CHAPTER 9

39 5 0
                                        

HEIRA'S POV

Pagkatapos naming mag lunch, ay bumalik na kami sa room, kasabay naming kumain si Alzhane saka si Kenji. Nakakapagtaka lang na hindi ko nakita sa canteen ang mga Friday the 13th, este ang labing tatlo naming bagong mga kaklaseng lalaki.

Nang makapasok na kami sa room ay nakaayos na sila, nakaupo na sa sari - sarili nilang mga upuan. Sabay kami ni Kenji na umupo dahil magkatabi lang kami. Itong isa naman ay seryosong nakatingin sa kung saan, mukhang malalim ang iinisip.

Dumating ang math teacher namin na si hindi ko kilala, iba pala ang math teacher nila. Sa First Section kasi ay si Sir Mercedes. Mukhang mataray, pero maganda. Matangkad at bata pa siya.

“Oh, kayo pala ang bago, I'm Margaux Tavisna, your mathematics teacher, just call me Miss Margaux.” Nakangiting bungad niya. “Let's start with the recitation, siguro naman ay nakapagbasa na ang isa sa inyo gaya ng paalala ko sa inyo.” Sabi niya at saka kumuha ng libro. “Mister Vergara, what is the estimated weight of Mount Everest?” Tanong ni kay Vance.

“Miss, hindi ko pa po tinitimbang, bukas na lang.” Sagot niya habang nakaupo.

Gandang sagot.

“This is not the time for jokes!” Inis na sabi ni Miss Margaux.

“Why? I'm not joking miss.” Sagot niya ulit.

“Who wants to answer?” Tanong niya sa 'min.

“Miss.” Parang batang tawag ni Kenji, dalawang kamay pa ang itinaas.

“Yes, what's the answer? Mister...” Tanong niya kay Kenji.

“I'm Kenji Tanaka, miss, Mount Everest weighs an estimated 357 trillion pounds.” Nakangiting sagot niya.

Tinimbang mo pala? Ang galing.” Singit ni Maviel habang namamangha pa.

“Very good.” Ani miss saka bumaling kay Adriel. “Mister Ramos, what is the only number that has the same number of letters as its meaning?” Tanong niya.

“I don't know miss, bakit niya po sa 'kin itatanong, nandiyan naman 'yan sa libro.” Sagot nito habang nakangisi.

“Answer my question correctly, Mister Ramos!” Sigaw niya, nabigla naman kami.

“Ah, miss?” Tawag ni Alzhane kay miss.

“Yes, miss?” Tanong niya kay Alzhane.

“I'm Alzhane Reyes, miss, FOUR is the answer miss.” Tugon niya.

“Very good, Four is the only number that has the same number of letters as its meaning, Four is a number that is spelled with four letters.” Paliwanag ni Miss Margaux. “Mister Ferrer, what is the only number that can't be represented in Roman Numerals?” Malumay na tanong niya kay Xavier.

Tumayo naman si Xavier ng taas noo, inayos niya ang kwelyo niya, kami naman ay naghihintay ng sagot niya. Bumuntong hininga siya bago sumagot. “I don't know Miss, thank you.” Nag bow pa siya kaya naman kaming lahat ay tumawa maliban dito sa katabi ko.

Pasaway!” Inis na sigaw ni Miss Margaux. Ayusin niyo ang mga sagot niyo!” Pagsaway ni Miss.

“Zero is the answer, Miss.” Singit ni Shikainah, inirapan pa si Xavier.

“Good. Zero is the only number that can't be Represented In Roman Numerals.” Pagbabasa niya sa libro. “Mister Marquez.” Tawag niya kay Asher, tumayo naman ito. “What is the first number to contain the letter A?” Tanong ni miss na ang paningin ay na kay Asher.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now