CHAPTER 10

35 5 0
                                        

Away bata

HEIRA'S POV

Maaga pa lang ay nasa parking lot na 'ko ng school. Ewan ko ba basta maagaan ang pakiramdam ko ngayon.

Nakangiti akong pumasok ng university at dumeretso sa room na 'min, nando'n na si Eiya, nakaupo na sa bangko niya.

“La, la, la, la, Eiya.” Pagkakanta ko habang papalapit sa 'kaniya.

“Oh, bakit ang aga mo yata?” Tanong niya.

Late na 'ko sige, ayaw mo yata akong pumapasok ng maaga eh.

“Wala lang.” Nakangiting ani ko.

“Good mood ka ba, dai?” Tanong niya ulit kaya natawa ako.

“Hindi naman.” Sabi ko saka ako umupo sa upuan ko.

Hay! Ewan ko ba magmula kaninang magising ako, ang gaan na ng pakiramdam ko. Sana lang walang manira neto.

“Eh, bakit abot langin yang mga ngiti mo?” Nagsusutpetsang tanong niya.

“Wala nga sira.” Natatawang sabi ko.

“Sus, dahil lang kay hmmm hmm” Hindi na niya natuloy ang sinsabi niya ng takpan ko ang maingay niyang bunganga.

Nung tumahimik siya saka ko siya binitawan. “Ang ingay mong bobita ka!” Duro ko sa kaniya, pero sinamaan niya 'ko ng tingin.

“Ang baho ng kamay mo!” Reklamo niya.

Eh? maka mabaho naman 'to.

Inamoy ko ang kamay ko, hindi naman gano'n kabaho, medyo lang, amoy goma, yung manibela ng bike.

“Psh, sobra ka naman.” Sabi ko saka ngumuso.

Nakita ko naman na may parang gumagalaw sa may tabi ko. Pa'no napunta 'to dito? Hindi ko napansin na nandito na pala si Kenji sa tabi ko. Ninja lang?

“Eh, anong tinatawa - tawa mo d'yan?” Baling ko sa kaniya.

Wahahahah, mabaho pala kamay mo eh!” Saka siya humagalpak ng tawa.

“Kaltukan kaya kita?” Saka ko inaamba ang kamay ko sa kaniya, handa sa malakasang pagkaltok.

“Joke lang, may pagkain ka?” Sabi niya saka siya nag puppy eyes.

“Matapos mo kong pagtawanan, hanep.” Sabi ko habang nakangisi. “Tara sa canteen libre ko, Eiya.” Pagyayaya ko kay Eiya, inaasar ko si Kenji.

Tatayo na sana ako ng biglang kumapit ang batang singkit sa 'kin. “Sama ako.” Aniya habang nakalabi.

“Ayaw, maiwan ka d'yan.” Pang aasar ko sa kaniya. Binitawan niya 'ko saka siya tumalikod, ilang sandali lang ay narinig ko na ang paghikbi niya. “Ay, hala, hala.” Natatarantang sabi ko. “Tara na, binibiro lang kita eh.” Sabi ko sa kaniya saka ko hinablot ang kamay niya.

Ayon, nagliwanag ang mukha niya, pumapalakpak pa habang nakangiti.
Nahagip ng mata ko si Alzhane na tahimik sa upuan niya. Nilapitan ko siya.

“Gusto mong sumama?” Tanong ko, saka siya nag angat ng tingin sa 'kin.

“Sa'n?” Tanong niya rin.

“Sa canteen, libre ko.” Sabi ko habang nakangiti.

Ngumiti siya sa 'kin saka tumayo. “Tara.” Aniya, inilahad niya pa ang kamay niya.

“Teka!” Sigaw ng kung sino. “Sama rin ako!” Nagmamaktol na ani Mavi.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now