CHAPTER 96

25 3 0
                                        

Preparation

HEIRA'S POV

"Doon tayo, Yakie!" Panghihila sa 'kin ni Kenji, hindi ba 'to napapagod?

Kanina pa siya takbo ng takbo eh, panay din ang pagtalon niya, hinihila niya pa 'ko. Kung hindi siguro ako uminom ako ng gamot kanina baka nagcollapse na ako.

Nabubunggo na nga kami sa pinanggagawa niya, panay na lang ang pagpeace sign ko sa mga 'yon baka bigla na lang nilang harangin 'tong batang hapon na 'to.

"Sa'n mo nananaman ba 'ko dadalhin?" Inis na tanong ko at hinils pabalik ang kamay ko, nakakahingal yun ah.

Sumunod naman sa 'min ang iba, hinihingal din. Sino ba kasing nagsabing tumakbo kami? Pwede namang maglakad na lang o kaya naman ay jogging 'no?

"Do'n oh!" Sabay turo sa labas ng mall.

Nasa malapit kami ng pinto kaya naman nakita ko ang isang mini amusement park, may mga rides at mga palaro, maraming taong namamasyal do'n.

Kay tagal ko ng nasa lugar na 'to bakit ngayon ko lang nalaman na may ganitong parides dito? Edi sana sumakay ako kahit sa mga bump car lang diba?

"Ang bilis niyo naman tumakbo! Muntik na namin kayong hindi maabutan, ang dami pa namang tao!" Reklamo ni Trina habang pinupunasan ang pawis niya.

Teka... bakit may pawis? Bakit siya pinagpapawisan eh ang lamig dito sa loob ng mall. Kahit palabas pa lang ang butil ng pawis ay agad na tutuyo, nakipag-track and field ba 'to sa initan?

"Tara na kasi! Maggagabi na oh!" Pangungulit ni Kenji.

Panay ang pagtalon niya habang nakaturo sa labas, hindi mapakali, yinugyog pa 'ko sa balikat, pilit akong kinukulit.

Anak ka ng linshak! Wala pa naman akong dalang pera, last na yung binigay ko sa kaniya kanina. Pero hayaan na, nandito naman yung iba, hindi naman nila matitiis 'tong matsing na 'to.

Napatingin ako sa langit. Nagsisilim na pala, konting oras na lang ay magdidilim na at maggagabi na. Ang tagal pala naming nandito, parang isang oras pa lang ang nakakalipas nang maghanap ng Christmas tree si Kenji sa storage room ng department store ah.

"Pagbigyan niyo na. I will pay for his rides." Sabi ni Kayden tsaka hinapit ang bewang ko papalapit sa kaniya.

Wait! Wait! Sheeet!

*TUG* *TUG* *TUG* *TUG* *TUG* *TUG* *TUG* *TUG* *TUG* *TUG* *TUG* *TUG* *TUG* *TUG* *TUG*

Yung puso ko! Lalabas sa katawan ko, baka bigla na lang 'tong tumalon dahil sa bilis ng tibok neto. Aaaaah! Bakit ba kasi may paganito pa?

Napalunok na lang ako ng mariin at pinagpawisan, lakasan niyo yung aircon!

Pasimple akong lumayo sa kaniya pero isang hakbang ko pa lang ay hinapit niya ulit ako. Tinatawanan naman ako ng mga hudlong na animal.

Tulungan niyo 'ko uy!

"Don't worry for his rides, parang baon ka na sa utang sa itsura mo." Bulong niya mismo sa tenga ko!

Nanindigan ang mga balahibo ko dahil naramdaman ko ang hininga niya ro'n! Ang init kaya, nakakakiliti.

Woooooh!

"A-ah... t-tara na nga! Ikaw naman pala ang magbabayad eh, tara na, Kenji." Sabi ko tsaka lumayo sa kaniya, agad kong hinila si Kenji palabas ng mall papunta sa tinuturo niya.

Humalakhak naman ang mga punyemas, walang magawang matino sa buhay kung hindi ang mang-asar.

Nakakabanaaaas!

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now