Deal
HEIRA'S POV
1...
2...
3...
"I'm glad to see you again." Aniya matapos akong halikan ng tatlong segundo. Kumaway siya at nginitian pa 'ko bago sumakay ng kotse niya.
A-ano 'yon?
Nakatulala lang ako sa kawalan, hindi ako makagalaw, pilitin ko man ay ayaw makisama ng katawan ko. Hinalikan niya 'ko... Hinalikan ako ng lalaking dalawang beses ko pa lang nakita...
Putangina.
"WAAAAH!" Sigaw ni Trina at yinugyog pa 'ko nung makapasok ako sa karinderya, muntik pa ngang mahulog ang kawaling hawak ko.
"Ang ingay mo, loko!" Si Vance pa talaga ang nagreklamo.
"Patanggal mo yang tenga mo kung naiingayan ka!" Mataray na sagot naman netong isa tsaka bumaling sa 'kin. "Hinalikan ka niya?" Dagdag niya saka tumili. "Hinalikan ka niya!" Siya na mismo ang sumagot sa tanong niya.
Hindi ako sumagot, dumeretso lang ako sa kusina, sumunod naman siya.
"Ano na 'te?" Tanong niya nung hinuhugasan ko na ang mga maruruming pinagkalatan namin.
"Paabot nga nung tongs." Sabi ko na lang, hindi ko na pinansin ang tanong niya.
Inabot niya naman 'yon sa 'kin, akala ko naman ay titigil na siya, hindi pa pala.
"Anong pakiramdam nung kiniss ka niya? WAAAAH!" Aniya pa, kilig na kilig ampota. Hawak niya pa ang magkabilang pisngi niya dahil namumula ang mga 'yon.
"Wala."
Totoong wala naman akong naramdaman, nung una ay kaba at pagkabigla dahil hindi ko inaasahan 'yong ginawa niya pero nung matapos na 'yon ay parang wala. Wala nga akong naramdaman na kahit anong kuryente kaya hindi ako dapat kiligin.
"Bakit wala? Mala-anghel ang mukha niya pati na rin pangalan! Heaven!" Sumanda siya sa countertop at hinarap ang ulo sa 'kin habang nakatagilid.
Wala naman talaga, oo gwapo si Nicholai, tama siya mukhang anghel siyang bumaba sa lupa para halikan ako pero wala talaga siyang epekto sa sistema ko.
"Eh, sa wala." Walang ganang sagot ko.
Marami pa siyang itinanong sa 'kin tungkol kay Nicholai, puro wala lang ang sagot ko. Hindi ko naman kasi talaga kilala ang lalaki, pangalan lang ang alam ko sa kaniya.
Nung matapos akong panghugas ay nagpunas na 'ko kamay lumabas na para kumain, nangyaya na sila, ang sabi ko ay tatapusin ko na muna 'tong mga nililinis ko.
Kumuha na 'ko ng pagkain ko, pati na rin ang pagkain ni Kenji, baka wala na na naman siyang baon eh.
Saktong umupo ako ay siyang pagsulpot ni Alzhane sa harapan ko. "Who's that guy, ate?" Tanong niya.
Katabi ko ang mga body guards ko, nasa harap ko si Alzhane, katabi niya si Hanna at Vance.
"Oo nga, sino 'yon?" Takang tanong din ni Eiya.
Bakit ba tanong sila ng tanong tungkol sa lalaking ‘yon? Pwede bang kalimutan na lang ang nangyari? Gusto ko ng kalimutan eh!
Hindi ako makagalaw, naninigas na yata ako! Napalunok pa 'ko nung maramdaman ko ang labi niya sa labi ko. Yon lang naman ang naramdaman ko.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
