CHAPTER 127

24 3 0
                                        

My girl?

HEIRA'S POV

"Oh, saan kayo galing?"

Kaagad na nagsitinginan sa 'min lahat mga hudlong. Nagtataka siguro kung bakit kami sabay pumasok ni Maurence sa room. Ngayon pa lang kasi 'to nangyari.

Walang umimik sa 'ming dalawa habang naglalakad kami kanina. Basta na lang kami nagsabay pabalik ng room. Hindi na rin ako sumubok na kausapin siya. Sayang ang laway.

Kanina, nung sinabi ko sa kaniyang tutulungan ko siya ay biglang umaliwalas ang mukha niya pero bakas pa rin sa mga mata niya ang lungkot.

May sinabi pa siya kanina bago kami natahimik parehas.

"...Sana nga matulungan mo 'ko, nakakapagod ng sumubok kung alam ko rin na balewala lang 'yun."

Siguro nasa first year pa lang sila ay sinusubukan niya na pumasok sa varsity basketball team. Sino ba namang hindi gugustuhing makapasok sa team na 'yon lalo na kung basketball game ang hilig mo.

Hindi na lang ako sumagot sa kaniya. Baka mapangako ako ng wala sa oras dahil sa lungkot niya. I hate promises. Mas maganda ng manahimik na lang kaysa sa makapagsalita pa 'ko ng hindi ko inaasahan.

Yung sinabi ko sa kaniyang tutulungan ko siya... hindi ko rin namalayan na nasabi ko na pala yun. Basta na lang bumuka ang bunganga ko at iniliwal ang mga salitang 'yon.

Hindi ko naman pinagsisisihan dahil bilang kaibigan... kaklase niya ay pwede ko siyang tulungan kung kaya ko naman.

"Do'n lang."

Kumakain ako ngayon ng hotdog on sticks, dumaan muna kami sa canteen at bumili kami ng pwedeng kainin. Kahit na busog ako, keri lang dahil nakakatakam yung mga pagkain.

Umupo ako sa pwesto ko. Mukhang may oras pa naman para kumain. Ayaw kong magreview dahil baka mamental block lang ako kagaya nung kanina.

"Gusto mo neto?" Tanong ko kay Asher dahil nakita ko siyang nakatitig sa hawak ko.

Hindi siya sumagot, nag-iwas lang siya ng tingin habang napapalunok pa. Inusog ko ang hotdog sa kabilang side ng stick, kung saan walang tusok.

Sinundot ko ang tagiliran niya kaya naman napaawang ang bibig niya. Kaagad kong sinalpak ang hawak ko sa bibig niya.

"Kagatin mo na lang." Sambit ko sa kaniya.

Baka akala niya ay binibigayn ko na sa kaniya yung lahat. Isang kagat lang pwede na atleast binigyan ko siya. Tinawanan ko siya dahil bakas sa mukha niya ang pagkabigla.

Kinagatan niya naman 'yon at humarap sa kabilang direksyon. Dahan-dahan niya lang nginunguya ang pagkaing nasa bibig niya. Hindi ko tuloy alam kung ano ang reaksyon ng mukha niya.

Pasimple akong yumuko habang ang kamay kong may hawak ng hotdog on sticks ay nakapatong sa lamesa. Sinilip ko ang mukha niya habang nakayuko. Hindi niya man lang ako napansin.

Nakita 'ko ang pasimpleng pagngiti niya, namumula pa ang hudlong, hindi ko tuloy alam kung natutuwa ba siya dahil sa binigay ko sa kaniya o nagkasakit na dahil sa pamumula ng mukha niya.

Kinakamot niya ang ilong niya habang mapapailing pa. Ngumiwi na lang ako dahil mukha siyang baliw sa ginagawa niya, baka may multo na siyang kinakausap sa harap niya.

Pagkaayos ko ng upo ko ay halos gusto kong pumatay ng langgam! Pa'no ba naman, stick na lang ang hawak ko, wala ng hotdog! Sa'n na napunta 'yon?

Luminga-linga ako sa paligid, pati ilalim ng upuan ko, gumapang pa 'ko sa ibaba para tignan nung saan nagtatago ang hotdog na 'yon, tinaguan ako! Bwisit!

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now