CHAPTER 112

22 2 0
                                        

New classmate?

HEIRA'S POV

"Ano? Buhay ka pa ba?" Natatawang tanong ni Trina kay Eiya.

Natapos kaming magreview ng masakit ang ulo ko at nahihilo. Sumuko yata ang mga braincells ko dahil sa mga tanong ni Kayden.

Hinayupak kasi, ang daming alam.

Nakaupo na ulit sila rito sa harap ko, sama-sama nananaman kaming lahat kaya naman parang nagkakakagulo dahil may kaniya-kaniya kaming mga sinasabi.

Bumili rin yung iba ng pagkain kahit bawal gawin 'yon dahil oras ng klase, baka kapag nahuli kami ay papasukin na lang kami sa room, nakakainip kaya ro'n.

"50/50." Sagot ni Eiya sa kaniya habang nakadukmo sa lamesa. "Ang sakit sa ulo! Pinapahirapan talaga tayo ni sir."

"Ang dami-dami niyang diniscuss eh! Hindi naman natin kayang ireview lahat ng 'yun." Sabi ni Alzhane tsaka sumimangot.

Ako? Neto, nakanganga habang tulala sa kawalan. Pinaglalaruan ko ang tip ng buhok ko, nakapahalumbaba pa nga ako.

"Para kang naluging kumpanya." Sabi ni Kenji na nakaupo sa lamesang nasa harap ko.

"Ji, peram muna ako ng utak, ibalik ko na lang mamaya." Wala sa sariling sambit ko.

"Hindi rin gumagana ang utak ko ngayon, bili ka na lang ng bago."

"Sa'n ba makakabili ng ba— teka nga, bakit ako bibili ng bago? "

"Luma na yang sayo."

"Siraulong bata. Anong nilalaro mo d'yan at nakatutok ka nananaman sa screen?"

"Mobile legends."

"Ano 'yon? Pahiram!" Akmang hahablutin ko ang cellphone niya pero inilayo niya 'yon.

Damot.

"Flappy bird lang ang dapat sayo."

"Nahigitan ko na yung high score ro'n, nakakatamad ng laruin."

"Ano ba yung high score ng sayo?" Tanong ni Maurence.

"3." Sagot ko. "Ang hirap kayang magpataas-taas sa mga tubo kaya 3 ang high score ko, dati nga 1 lang eh."

"B-bwahahahaha!" Pagtawa nila.

"Akala ko naman umaabot ng 300 ang high score mo!" Sabi ni Timber.

"Yung 5 nga ang hirap abutin tapos 300 pa?!"

"That game is easy." Pagmamayabang ni Asher.

"Wala namang nagtatanong." Pambabara ni Adriel.

"Hawak ko ang account ng ml mo, pababain ko kaya ng rank?"

"Kidding." Bawi naman ni Adriel. "You want to play that game?" Tanong niya sa 'kin habang nakaturo sa cellphone ni Kenji.

"Pahiram ako!"

"Ayoko nga, baka maubos star ko."

"Wow naman, pero tinatanong mo 'ko 'no? Ayos ka riyan, ang sarap mo kutusan."

"Tinatanong lang naman kita pero hindi ko sinabing papahiramin kita."

Nginiwian ko lang siya dahil sa sinabi niya. Akala ko pa naman ay malalaro ko na 'yung mobile legends na 'yon, mukhang madali lang namin dahil parang baril-baril lang ang ginagawa ro'n.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now