Mall
HEIRA'S POV
“Anak gising kana ba?”
Napabalikwas ako ng higa at nagising ang natutulog kong diwa ng marinig ang tinig na iyon. Hinayaan ko muna dahil gusto ko pang maghiga at mag pahinga.
“Anak, Heira gising na, anong oras na oh.” Sabi ni mommy at marahang kinatok ang pinto ng aking kwarto.
Minulat ko ang aking mga mata at napapikit mula ng tumama ang aking paningin sa sikat ng araw. Iniharang ko ang aking kamay para hindi na masilaw. Kinusot ko ang mga mata at bahagyang humikab pa.
“Opo mommy gising na 'ko, mag aayos lang po ako tapos bababa na rin po.” Bahagyang sigaw ko para marinig ni mommy ang sigaw ko. Naupo ako at kinuha ko ang cellphone ko para tignan ang oras, 10:00 A.M na, uminom ako saka tumayo. Nag ayos ako ng halos bente minutos at saka bumaba para kumain.
“Goodmorning mommy!” Masiglang bati ko kay mommy ng makarating ako ng dining table.
“Mm goodmorning baby.” Nakangiting bati rin nito sa 'kin. Umupo ako sa upuan kung saan kaharap ko si mommy at saka kumuha ng almusal ko. “Napuyat ka ba kagabi?” Tanong niya maya maya.
Hininto ko ang pagsubo at nilunok ko muna ang pagkain sa bibig bago ko sagutin ang tanong ni mommy. “Hindi naman po ako napuyat mommy, napasarap lang po ang tulog ko dahil sa lamig ng aircon hehe.” Sagot ko, tinanguan lang ako nito at nagpatuloy sa pagkain.
Nang matapos kaming kumain ay pumunta kami sa sala ni mommy, si Aling Soling na ang naghugas ng pinagkainan namin. Inaya namin siyang mag almusal ngunit ang sabi niya'y mamaya na lamang siya kakain.
Pumunta kami sa sala ni mommy at nagkwentuhan. Tumawag si Kio sa amin kaya naman pati siya'y nakisali na rin. “Kamusta ka 'jan twin bro, naks lalong gumwapo oh,” papuri ko sakanya at saka ako tumawa. Nakangiti naman din si mommy habang pinakikingggan ang usupan namin ng kambal ko.
[“Ayos naman ako, syempre gwapo naman talaga ako, kailan pa ba ako pumangit sa paningin niyo, kayo ba kamusta kayo ni mommy 'jan?”] Tanong naman nito pabalik sa amin. Ngumisi lang ako sakanya at tumingin naman ako kay mama para siya naman ang kumausap dito.
“Ayos lang naman kami anak, ayos naman kami ng kambal mo pero medjo nakakalungkot kasi hindi ka namin kasama, sana'y makapagbakasyon kana ulit dito, miss kana namin anak.” Malungkot na sabi ni mama, nang mapansin nitong nakatitig ako sakanya ay saka niya ako ginawaran ng pilit na ngiti.
Nagkuwentuhan pa kami ng kung anu-ano pang bagay, halos umabot na kami ng tanghalian bago magpaalam si Kio na papatayin na ang tawag dahil mamimili raw ito ng gamit na kakilanganin niya ngayong papalapit na pasukan. [“Osiya mommy I gotta go, I'm going to market to buy some stuff, school supplies na din, ingat kayo yan, I miss you both, I love you.”] Masiglang paalam nito sa amin kahit pa may bahid ng lungkot ang mga mata niya.
Nginitian namin siya ni mommy at saka nagpaalam na rin. “Bye Kio, we miss you too, I love you mwa.” masiglang bati ko.
“Bye anak, ingat, I love you” si mommy.
Pinatay ni mommy ang tawag at saka sa'kin humarap. Ngumiti siya sa akin at ganon naman rin ako sakanya. “Nakaka miss din pala talaga ang kakulitan ng kambal mo ano?” sabi nito. “Sana'y umuwi at manatili siya dito Sana'yng matagal tagal para naman sulit na sulit ang pagkakasama natin sakanya.” Dagdag pa niya.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
