(A/N: Alam kong magulo ang mga updates ko ngayon, nakakalito ang iba pero I'll try my best para isulat ng maayos ang kwento, God bless :» )
*****
Bakit ka umiiyak?
XAVIER'S POV
I am so thankful that my friends helped me for this with the surprise I made for Shikainah. Hindi nila alam kung gaano ako kasaya ngayon lalo na't nasa harapan ko ang babaeng mahal ko.
Minsan ay naiisip kong, bakit kami kaya naging ganito? Bakit kaya kami pinaglaruan ng tadhana at pinaglayo. Ang lapit niya lang... ang liit ng ispasyong ginagalawan namin pero parang ang layo-layo niya sa 'kin.
Parang hinahaplos ang puso ko ngayong nakikita ko siyang umiiyak hindi dahil sa sakit kundi dahil sa saya. Masaya akong nakikita kong naappreciate niya tong ginawa namin.
Gusto na kitang bumalik sa 'kin... miss na miss na kita.
Pinatugtog ni Trina ang gitara kaya naman kumanta na rin ako, kasabay no'n ay ang pagbalik ng mga aalala namin ni Shikainah noon.
♫♪ I have loved you only in my mind
But I know that there will come a time
You'll feel this feelin' I have inside
You're a hopeless romantic is what they say... ♫♪
"Nasa'n na si pinkish cheeks?" Tanong sa 'kin ni Vance pero sumimangot lang ako.
Hindi ko na kasi sila naabutan sa room nila, kahapon pa siya ganiyan, hindi rin siya sumabay sa 'kin, sabi niya ay nasa library sila pero kahit na anong ikot namin ni Vance roon ay hindi namin sila nakita.
"Hindi eh." Sagot ko na lang tsaka kumamot ng ulo. "Baka nasa canteen, tara nga tign—."
"Galing na 'ko do'n eh, wala sila." Putol niya sinasabi ko.
"Saan naman kaya sila pumunta?" Tanong ko sa sarili ko.
"Baka may importanteng ginagawa, sasabay naman sila kung wala, kaya tara na dahil gutom na 'ko!" Sambit ni Vance, inakbayan pa 'ko.
Bagsak balikat akong sumunod sa kaniya sa canteen, pasta lang ang kinain ko dahil wala akong gana. Dapat sabay tayo ngayon, Shikainah, sabi mo kasi sa 'kin sabay tayo, um-oo ka kanina sa 'kin eh.
Kahapon inalok ko siyang sumabay sa 'kin sa pag-uwi pero agad niya 'kong tinanggihan. Kanina nakatakip ang mukha niya ng notebook at binalak akong lampasan na para bang hindi ako nakita.
May ginawa ba 'kong masama sayo?
"Ang konti naman ng kinain mo, pasta lang? Nabusog ka ba no'n?" Tanong ni Vance, bestfriend ko siya, kaibigan din siya ni Shikainah.
Maganda ang pagkakaibigan namin dahil apat kami, si Shikainah ay kaibigan niya si Madison habang ako naman ay kaibigan ko si Vance, parang naging magkakaibigan na rin kami dahil sa circle of friends.
"Wala akong gana, tsaka parang busog pa 'ko." Sagot ko bago ako magchat kay Shikainah pero hindi siya sumagot.
Sumubok ako kay Madison pero 'typing...' lang ang nabasa ko hanggang matapos ang pagkain namin.
"Tara sa soccer field, wala namang teacher niyan sa susunod na subject." Sabi ni Timber, kasama niya ang iba.
♫♪ Fallin' in and out of love just like a play... Memorizin' each line
I still don't know what to say
What to say.. ♫♪
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
