CHAPTER 68

21 3 0
                                        

Dinner

HEIRA'S POV

"Mommy... mommy!" Agad akong tumakbo palabas ng kwarto. Ipapakita ko sana 'tong damit at..
yung sulat. "AAAAAAHHH!" Sigaw ko, nahulog kasi ako sa hagdan kakamadali ko.

Nadulas ako pababa, buti na lang mababa lang ang hagdan. Iilan lang ang baitang niya kung hindi baka sakit sa pwet ang aabutin ko.

Nasa itaas pa lang kasi ako at akmang hahakbang nung matapakan ko ang isang basahan yata yon o damit, silk yata 'yon kaya ayun na ko nakahawak pa, tuloy-tuloy akong nadulas pababa.

Napahawak ako sa pwetan ko nung maramdaman ko ang sakit no'n. Kung kanino man yung damit na 'yon, yari siya. Gugupitin ko ng pinong-pino!

Ika-ika akong pumasok ng kusina at lumapit kay mommy, nagluluto siya. Ang bago naman! Agad na kumalam ang tyan ko kaya napahawak ako ro'n.

Dala ko ang note, buti na lang hindi ko nabitawan kaninang dumausdos ako pababa. Maliit lang 'yon. Parang sticky note.

"Mommy!" Sigaw ko habang papalapit sa kaniya.

Humarap siya sa 'kin, nakasuot pa siya ng apron at nakabalunbon pa ang buhok. May hawak na sandok.

"Hindi naman ako nawawala, huwag kang sumigaw." Suway niya, kanina pa kasi ako sigaw ng sigaw.

"Mommy! Ma!" Dalawang metro siguro ang layo namin. Nakahawak kasi ako sa lamesa. "A-aray!" Napadaing ako dahil sa sakit ng likod ng binti ko. Parang binubugbog.

"Oh, anong nangyari sa'yo at gan'yan ang itsura mo?" Natatawang tanong niya.

Pinaningkitan ko naman siya ng mata. Bakit? Ano bang itsura ko ngayon? Nahulog ako sa hagdan!

"Wala po." Umiling muna ako, "mommy, sa 'kin ba yung dress na nasa kwarto ko?" Tanong ko.

"Oo naman! Ang ganda no'n, isuot mo 'yon ha, wag kang magpantalon sa acquittance party niyo, huhubaran talaga kita!" Pagbabanta niya. Hinarap niya pa sa 'kin ang sandok.

Sayang, balak ko pa naman sanang magpantalon na lang tapos t-shirt, pwede naman siguro sa party ang gano'ng damit 'no? Uuwi rin naman kaagad.

Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kaniya kahit na hirap akong maglakad. Tumawa siya ng tumawa habang pinapanood akong naghihirap.

Okay lang ma, tanggap kita.

Nang makalapit ako sa kaniya agad akong sumandal sa ref. Inabot ko sa kaniya ang hawak kong papel. Kinuha niya naman 'yon.

Saglit niya pa munang binasa 'yon, gano'n na lang ang pagbabago ng reaksyon ng mukha niya pagkatapos niyang binasa. Kumunot ang noo niya, salubong pa ang kilay. Pero bakit sa mga mata niya may kaba?

Nakakapagtaka lang ang hindi niya pagtingin sa 'kin, sa kawalan siya tumingin. Nakita ko ang pagkuyom ng mga palad niya, nalukot na nga ang hawak niya.

"Kilala niyo po ba ang nagbigay nung damit?" Tanong ko matapos ang nakakabinging katahimikan sa pagitan namin.

Saglit niya 'kong sinulyapan at nag iwas din siya ng tingin agad bago sumagot. "H-hindi. P-pinadala lang dito y-yan. N-naka pangalan s-sayo kaya kinuha ko." Sagot niya. Nanginginig ang boses niya sa hindi ko malamang dahilan.

"Sa'n kaya galing yun, mommy?" Tanong ko, umakto pa 'kong nag iisip. "Nung isang araw naman, isang box ng chocolates naman. Malaking box, mommy." Pagkukuwento ko.

"May dumating pa bago 'to?" Tanong niya, halos mautal na siya.

Tumango naman siya. "Nung sabado po ata 'yon. Wala kayo kaya hindi ko na po kayo natanong." Sagot ko.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now