CHAPTER 110

23 3 0
                                        

Review

HEIRA'S POV

"Bakit namamaga?" Tanong ko sa kaniya.

Nakatingala nga ako kay Kayden dahil nakatayo siya sa harap ko habang nakapamewang, ang tangkad pa naman niya.

"I don't know. I'm not a doctor." Sagot niya tsaka bumalik sa upuan niya.

Napasimangot na lang ako dahil do'n, nakita ko ang batang hapon na masayang naglalaro sa tabi ko, it's time to revenge.

*Evil smirk*

Nang makahanap ako ng tyempo ay agad kong tinakpan ang mata niyang tutok sa nilalaro.

"Yakie, matatalo ako." Sabi niya habang pili na tinatanggal ang kamay ko.

Pumapadyak pa. Iniiwas ko ang paa ko. Kinuha ko ang cellphone niya gamit ang isa kong kamay at ipinasa kaagad kay Adriel na kakapasok lang.

Nagtataka pa siya nung una pero kinuha niya rin ang cellphone at umupo sa pwesto niya, nagthumbs up ako sa kaniya bago ko tinanggal ang kamay ko.

Patay malisya akong tumingin sa kisame, kunwari walang nangyaring agawan.

"Yakie! Nasa'n yung cellphone?" Tanong niya kaagad.

"Anong cellphone?" Tanong ko kahit alam ko naman kung nasa'n 'yon.

Marahas niyang kinamot ang ulo niya, nagsalubong kaagad ang mga kilay niyang makapal habang tinitignan ang side ko.

"Kinuha mo 'yon ih!"

"Bakit ko naman kukunin? Tinakpan ko lang ang mata mo ah, hindi ko kinuha." Sabi ko habang naka 'o' ang bibig ko.

Best actress ako ngayon.

"Matatalo na niyan ako!" Sabi niya tsaka umiyak.

Ang bilis naman netong maiyak, kaagad na tumutulo ang luha niya. Namula kaagad ang mga mata niya.

"Hanapin mo!" Sabi ko tsaka ko siya binelatan.

"Yakie naman ih! Ang hirap kaya laruin no'n." Pagpapaaawa niya tsaka dumukmo na lang sa upuan.

Hindi niya pa nga nahahanap ay sumusuko na kaagad siya, sigurado akong tinatamad lang 'tong maghanap kaya gano'n siya.

"Adriel!" Tawag ko sa lalaki, tumingin naman siya kaagad sa 'kin. "Yung cellphone." Sabi ko ng walang boses tsaka inilahad ang kamay ko.

Lumapit naman siya sa 'kin, kinuha ko ang cellphone at kinalabit si Kenji, ibibigay ko na baka bigla na lang siyang humagulgol dito.

"Sabi na eh! Nasayo!" Sabi niya.

Binatukan pa 'ko ng hudlong bago tumakbo papalayo. Binigay na nga yung cellphone niya tapos nanakit pa.

"Napa'no yang paa mo?" Tanong ni Adriel.

"Ilang beses na ba 'kong tinatanong niyan?" Sabi ko. "Natapilok nga ako! NATAPILOK."

"I see. Masakit ba?"

"Oo naman, namamaga raw eh."

"Baka dapat mo ng ipatingin sa doctor." Suhestyon niya.

"Bakit naman idadala pa sa doctor, mawawala rin 'to. Papakita ko na lang mamaya kay mommy." Sabi ko bago ngumuso.

"Kaya mo bang maglakad?"

"Malamang, may paa ako eh."

"Okay." Sagot niya, akmang maglalakad na siya pabalik sa pwesto niya ng mabilisan akong tumayo at tumalon sa likod niya. "HUK—!"

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon