CHAPTER 117

22 3 0
                                        

Indirect kiss

HEIRA'S POV

"Can I join you?" Natigilan ang lahat ng mga nagbabangayan dahil sa apat na salitang 'yon.

Sabay-sabay kaming lumingon sa lalaking nagsalita. Halos lumuwa ang mata namin ni Eiya ng makita ang lalaking pinag-uusapan namin kanina. May dala siyang tray at nakatingin sa 'min.

"Anong ginagawa mo rito?!" Tanong ni Eiya pero bakas pa rin ang galit sa boses niya.

"Just... Makikisabay lang sana sa pagkain. Wala na kasing available na table sa canteen." Sagot ni Chadley.

Pinalobo ko ang magkabila kong pisngi at bumuga ng malakas sa hangin. Eto nananaman tayo, panibagong gulo niyan 'to.

"Bakit mo naman nalaman ang lugar na 'to, 'dre?" Tanong sa kaniya ni Xavier.

"Narinig ko lang kayo. Dapat sa room ako kakain eh kaso narinig ko ang ingay niyo."

"Edi dapat sa room ka na lang kumain, hindi ka pwede rito." Sabi ni Eiya kaya naman hinampas ko ang balikat niya.

"'Wag ka namang masyadong masungit." Bulong ko sa kaniya, inirapan niya lang ako.

"Bakit bawal ba rito? Nandito naman kayo kaya I think this is not a prohibited area."

"Kami lang kasi ang pwede rito... I mean tambayan namin 'to." Nahihiyang sagot ni Alzhane.

"Malaki naman ang space, pwede ba 'kong suma-!"

"Hindi!" Kaagad na putol ni Eiya sa lalaki.

Ramdam ko ang namumuong tensyon sa pagitan nila. Naglalaban ang mga paningin nila. Ang matalo duling. Joke.

Si Trina ang bumasag sa sandaling katahimikan. "Hayaan mo n-na siya, Zycheia. Kita m-mo naman talagang puno ang c-canteen kanina eh!"

"Wala akong pake. Maghanap siya ng sarili niyang mapagkakainin kung gusto niya." Pagmamatigas ni Eiya.

"Ang harsh mo naman 'te."

"A-ah, sige upo ka na." Sabi ko na lang tsaka sinenyasan ang upuan sa harap ko.

Nakakahiya naman kasi kung papalisin pa namin siya gayong nandito na rin siya sa harap namin. May dala pang pagkain, siguro naman akong wala namang tao sa room.

Kung kakain siya ro'n, edi loner siya.

Nakakabastos kaya kung itatabky namin siya. Ang laki pa naman ng ngiti niya sa 'min kahit pa hindi maganda ang pakikitungo ni Eiya sa kaniya. Mukha siyang joker.

"Thank you, Heira." Sambit niya bago umupo.

Nagulat naman ako. Alam niya ang pangalan ko! Hindi ko naman sinabi sa kaniya 'yun ah. Hindi nga ako nakipagkilala. Pati kanina, sinabi niya rin 'yon habang niyayakap niya 'ko.

Bakit gano'n? Yung ibang tao kilala ka pero sila hindi mo kilala.

Hindi ko na lang siya pinansin. Tumuloy na lang ako sa pagkain ko. Nakakadalawang subo pa lang yata ako dahil sa gulo ng mga hudlong na 'to. Tapos si Kenji paubos na ang kaniya.

"Bawal ng humingi.." Parinig ko sa kaniya.

"Wala namang batas ro'n kaya penge ako!" Sagot niya naman tsaka kinuha ang fried chicken ko!

"Anak ka ng puting tupa!" Singhal ko sa kaniya. "Meron ka na niyan eh! Akin na yan, ang takaw mo!"

"Hawak ko na kaya akin na 'to." Nakangising aniya tsaka dahan-dahang kinagat yung manok ko!

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon