Stock
HEIRA'S POV
"Woooh! Init!"
"Nakakagutom naman!"
Reklamo nung dalawa pagkatapos manghila ng mga bumibili. Napagod yata sila sa kakasayaw at kakapang aliw sa mga dumadaan kaya bumalik muna sila dito sa cart.
May upuan kasi dito sa likod namin, mga monoblock na pwedeng pagpahingahan. Umupo sila do'n at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay nila.
Para silang lantang gulay dahil parang nanlalambot silang dalawa, parang sumabak sa gyera, tagaktak ng pawis ang mukha, maalikabok ang mga paa tapos ang gulo ng buhok nila.
"Ayos lang kayo?" Tanong ko habang hinihintay na maluto 'tong piniprito ko, umalis muna saglit si Xavier dahil may tumawag sa kaniya.
"Mukha ba kaming okay?" Mataray na tanong ni Eiya.
Gamit ang towel na nasa balikat niya, pinunasan niya ang buong mukha niya, parang jeepney driver lang. Tinanggal niya muna ang apron niya tsaka tinupi 'yon para gawing pamaypay.
Si Kenji naman mukhang ginahasa dahil sa buhok niya. Hindi niya na yata nakayanan ang init kaya tinanggal niya ang apron niya tsaka naghubad... ng damit.
"Hoy ang laswa!"
"Tingting!"
"Magsuot ka ng damit."
"Kapag umalis ang mga customers, yari ka sa 'kin."
"Maskulado ka!"
Pagsaway at pambubuyo ng mga kasama namin, pero hindi nagpadala ang bata sa kanila, nagmake face lang siya sa kanila tsaka binelatan.
Syempre sa arawan nila piniling magstay kaya ayan exhausted na sila, titik ang araw, buti na lang talaga may bubungan 'tong cart kaya nakasalilong kami.
"Water?" Alok ni Elijah kay Eiya, hindi ko na napansing lumapit na pala siya dito sa gawi namin.
"Ako, hindi mo aalukin?" Tanong sa kaniya ni Kenji.
May hawak na siya ngayong maliit na karton, ginawa niya 'yong pamaypay. Parang kanina lang hilo-hilo siya ngayon may pamaypay ng dala, ang bilis namang kumilos neto, yung tataa? Ninja ka?
Pinagtaasan lang siya ng isang kilay ni Elijah tsaka pinasadahan ang buong katawan ni Kenji, mula sa balikubak sa ulo hanggang sa kalyo sa paa. Si Kenji naman ay madramang tinakpan ang katawan niya, umakto siya na parang tinatago niya ang katawan niya dahil sinisilipan siya.
"Ask Heira, sa kaniya ka manghingi." Sagot niya lang, gusto kong ihagis ng malakas sa mukha niya 'tong hawak kong syanse, dinamay pa daw ako.
Pagtapos sumagot ni Elijah ay hindi na siya nagsalita, binuksan niya na lang ang bottled water tsaka binigay kay Eiya, kinuha naman niya 'yon tsaka uminom, tapos umalis na si Elijah matapos masatisfy sa pag inom ni Eiya.
"Yakie, water please." utos ni Kenji, ngumiwi naman ako.
"Hindi ako yaya, matanda kana, kaya mo na 'yan." Sagot ko, tumawa ng malakas ang mga kasama ko.
"Tse!" Sagot niya na lang saka pumasok sa loob ng karinderya.
Kinurot ko sa tagiliran si Eiya. Napaatras at napaaray naman dahil sa pagkabigla. Nasamid pa nga siya eh.
"May hindi ka ba sinasabi sa 'kin?" Serysong tanong ko.
"H-ha? W-wala..." Maang-maangan na sagot niya, alam na alam ko kapag nagsisinungaling siya, lumalaki kasi ang butas ng ilong niya tapos humahaba ang nguso niya. Alam kong nagsisinungaling siya ngayon.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
