CHAPTER 19

29 5 0
                                        

Stroll to the mall 3.0

HEIRA'S POV

"Pepperoni pizza po, dalawa!" Sigaw ni Kenji, hindi na alintana ang mga nakapili. Bastos kang bata ka!

Dumeretso kami sa mga kainan, mukhang nagutom na ang mga kasama ko, isama mo na 'ko.

Umorder akong dalawang malalaking pizza, apat na order ng pasta, may cake pa, isang buo. Mala birthday lang.

"Ang sarap po ate!" Galak na sabi ni Rolen habang kumakain.

"Yakie, kulang pa sa 'kin 'to!" Reklamo ni Kenji, nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

Kulang? Eh apat na slice ng pizza ang nasa plato niya, yung sliced cake na kinuha niya ay halos makalahati niya na ang cake. Nasa tabi niya pa yung isang pitsel ng juice, tapos kulang?

"Kapag ikaw naimpatso, bahala ka aa buhay mo!" Banta ni Eiya habang kumakagat ng pizza.

"Hinay - hinay sa pagsubo, nako bata ka..." Saway ni Aling Soling.

Hindi ko alam kung si Rolen ba ang kinausap niya o si Kenji. Punong puno kasi ang bibig nilang pareho, hindi pa nalulunok ang nasa bibig ay susubo na sila ulit.

"Hoy, hinay - hinay ka naman sa pagsubo, baka mabulunan ka niyan." Sabi ko sa katabi ko.

Papagitnaan kasi ako nina Kenji banana tsaka ni Eiya. Nasa harap naman namin sina Aling Soling tsaka ang anak niya.

Titinidurin ko na sana yung pasta ko ng may ibang tinidor ng nauna sa tinidor ko. Dahan-dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng kamay na 'yon.

Tinampal ko ng malakas ang kamay niya, dahilan para mabitawan ni... sino pa ba? Ni Kenji ang tinidor. Pinangkitan ko siya ng mata.

"Aw..." Aniya habang hinihimas ang kamay.

"Mero'n kana, kukunin mo pa yung akin!"

"Wala na kaya!" Aniya saka kinuha ang plato. "Oh!" Pinakita niya sa 'kin ang plato niyang simut na simut na, kulang na lang kumintab ang puting plato niya.

"Ang bilis mo naman kumain?" Tanong ko tsaka kumain. "Numnumnum..." Pang-iingit ko sa kaniya.

Sinaman niya ko ng tingin at..

At...

INAGAW NIYA KUNG PLATO KO, HINALIKAN NIYA PA ANG PAGKAIN KO!

"Oh, sayo na ulit!" Pagbabalik niya sa 'kin ng plato.

Lintek na bata 'to!

"Sayo na!" Inis na sabi ko, kumuha na lang ako ng pizza, yung pasta ko huhuhu. "Nakakahiya naman baka gutom ka na talaga!" Dagdag ko, hindi siya sumagot pero nung lingunin siya ubos na ang pagkain niya.

Anak ka ng...

"Wala na!" Aniya, sumenyas pang wala na gamit ang kamay niya.

"Malamang inu—" Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng agawin niya ang hawak kong pizza.

"Ano ba!" Inis na sabi ko, mukhang napalakas dahil nilingon kami ng iba.

"Akin na lang 'to!" Sabi niya, nagpeace sign pa ang loko.

"Kapag ako talaga hmmmmp!" Inambahan ko siya ng palatok pero umiwas siya, tatawa tawa pa ang sira.

"Nyeh nyeh nyeh, yumyumyum!" Aniya, binelatan pa 'ko.

Para siyang batang kwatro ang edad, ang dungis niya kumain, puno lagi ang bibig, malakas kumain, inshort parehas kami.

"Eiya, pahingi..." Akmang kukuha ako ng pasta niya, halos nagangalahati pa lang pero inambahan niya 'ko ng suntok.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now