I know where we can find him
HEIRA'S POV
Anong kinalalabasan ng pagiging puyat? Bangag.
Puyat.
Bangag.
Lutang.
Sabog.
Iisa lang 'yan, at ako 'yon, hindi kasi ako nakatulog ng maayos kaya puyat ako, ang dami kong inisip kagabi kaya bangag ako, hindi ko na mahandle lahat ng tanong sa utak ko kaya ngayon, eto ako lutang na sabog pa!
4 in 1 si ako.
Bakit ba kamo? Mula kasi nung makauwi ako sa bahay, lagi na lang sumasagi sa isip ko ang mga sinabi ni Kayden kahapon, idagdag mo pa yung maulit ulit na nagfaflash sa paningin ko ang nangyari, naiinis pa rin ako.
Biruin mo, yung hudlong na kulapo na 'yon pa ang nakakuha sa first kiss ko! Tapos siya parang sanay na sanay na!
Ilalaan ko 'yong kiss na 'yon para sa taong gusto ko, yung love ko! Pangako ko sa sarili ko 'yon eh, pero anong nangyari? Dahil sa king'nang uno na 'yon, nawala na!
Kumikislap pa ang mata niya ha?! Kung pwede ko lang dukutin ang mga matang 'yon, ginawa ko na!
Ay grabe, ang brutal ko pala.
Parang o sabihin na nating exhausted ako nung papasok ako school, mula pagkagising ko hanggang sa pagpunta ko sa campus, bagsak ang balikat ko.
Sumakay lang ng tricycle papasok dahil nga may dala-dala akong medium size na project, take note: dalawa 'to pa'no ako makakapagbike kung dala ko ang mga 'to, isa pang pasakit!
Project na'min 'to sa Chemistry, two weeks ang palugit neto pero dahil dalawa ang kailangan kong gawin, halos magkanda hilo-hilo na 'ko sa puyat para lang matapos ang mga 'to.
Yari ka talaga sa'kin, Alexis!
Nakapasok ako sa campus na lamya-lamya ang lakad, bagsak balikat, inaantok at nakanganga.
Wala na 'kong pake sa mga taong pinagchichismisan ako sa paligid, gusto ko ng makaupo at dumukmo. Sabay sabay na ang parusa sa'kin.
May malaki siguro akong kasalanan sa past life ko kaya gan'to ang pasakit ko!
Ayoko naaaaa! Joke.
Kaya pa naman, gusto ko lang talagang maupo muna, ayoko munang mag isip ng kung ano - ano ngayon, ayoko ng maalala ang mga nangyari, past is past. Kailangan ng kalimutan, okay!
"Mukha kang zombie." Bungad sa'kin ni Kenji nung nasa harap na 'ko ng room namin.
"Adik ka ba?" Tanong naman ni Trina.
"Baka nagbibisyo kana ah!" Sabi naman ni Alzhane.
"Laki ng eye bags mo!" Natatawang sabi ni Eiya.
"Kinulang ka ba sa tulog?" Ani Hanna.
Isa isa ko silang tinignan, pinanlilitian ko sila ng mata, ang mga sira, hinawakan pa ang dibdib, parang magulat pa sa ginawa ko, gusto kong matawa sa reaksyon nila pero hindi kaya ng mukha ko, inaantok ako eh.
Tama nga ang sinabi nila, kapag puyat ka, sabog ka, pasado alas tres na lang yata ako natapos sa paggawa ng projects, gahol ako sa oras, hindi pa 'ko agad nakatulog dahil sa kakaisip.
Hindi ko na nga alam kung paano 'ko ipupwesto ang katawan ko para makatulog, pwesto na nakatagilid, nakakumot, nakaupo, nakadukmo, nasa sahig, pati nga paggulong ginawa ko na eh, ang ending isang oras lang ang tulog ko.
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
